{juan karlos}"This better be worth it, Juan Karlos." Sabi ni Jolina. She was holding her phone at timatawagan si Caedie.
"I'm sure it'll work. Hopefully."
Sinagot na mi Caedie.
"Hello Jo?" Sabi niya. Nakaloud speaker kaya pinipilit kong manahimik.
"Hi Cads," Sabi ni Jolina. "Pwede ka bang—no I mean, you need to go here. Sa school."
"Why?"Tanong niya.
Napakagat ng labi si Jolina at umirap sakin.
"Jo?"
"Ah. Kasi nandito ako ngayon. Magpapasama sana ako sa mall mamaya." Sabi niya.
Nakapamot ako sa batok ko. Come on Jolina.
"Bakit? May seminar ka?" Tanong ni Caedie.
"Oo, meron. Kaso umalis sila Mama sa bahay kanina, at wala akong susi so magma-mall muna tayo."
Medyo nag-aalinlangan pa si Caedie.
"Si Ate Han, ayaw mong kasama?"
Nag-groan si Jolina. "Kaibigan ba kita o hindi? I want you than anyone else."
"Okay. Chill. I'm coming." Sabi niya.
"Yes!" Sigaw ni Jolina. Magtatanong pa sana si Caedie kaso pinatay na niya. "Step one accomplished!"
~
{caedie}
I dunno what's up with Jo, pero sige na nga. Pupunta na ako.
I dressed up in my ever casual style. Sneakers, my fave jeans, at yung tshirt ko na merch ni JK, kaya may Juan Karlos na print sa harap. Sa likod talaga yung sinadya ko. Nagpadagdag pa talaga ako ng "Mrs. C. Labajo" sa gitnang pinakababa ng shirt.
I miss those days. Na kasama ko at namemeet ko yung internet friends ko sa mallshows niya. Yung pawis at paos for a whole day. Yung ubos ubos pera. Mehehe.
Proud na uli ako suotin to kasi bati na kami ni JK. Hindi parin ako makapaniwala na siya nga si Kaloy! Na yung childhood crush at celebrity crush mo ay iisa! Please tell me this is not a dream.
Kaya pala nung kumanta kami nung acquaintace, tapos napatingin ako ng matagal sa mata niya, nag-iba yung pakiramdam ko. Siguro dahil nalaman ko na hindi lang siya si JK.
Nung una nakakagalit talaga no. Kasi di ako makapaniwala at higit sa lahat galit ako kasi gustong gusto ko as in sobra. Ano daw?
Dumating ako sa school 30 minutes after tumawag si Jolina.
Sa gym ako pumunta kasi yun ang una mong makikita pagkapasok ng campus. Ang napakalaking court.
Nag-text ako kay Jolina.
'Jo nasa seminar ka pa? I'll wait you up here sa gym.'
After a few minutes nag-reply na siya.
'okaaay. shhh mahuli pa ako ni sir.'
Nilock ko ang phone ko at umupo na sa bleachers doon.
At dahil tahimik, hindi ko mapigilang mag-senti. Pagbigyan.
Na-alala ko yung mga nangyari 7 years ago...
*FLASHBACK*
Nakaupo ako ng tahimik sa upuan ko dito sa auditorium habang tinitignan ang maliit kong kamay. Malamig ang paligid pero hindi yun nakakaapekto sa akin.