26

3 0 0
                                        




{jolina}

Nakaupo ako sa waiting shed sa harap ng school namin. Naghihintay na magpakita yung lalaking yun.

Tumingin ako sa kaliwa ko at nakita ko siya. Naglalakad lang mula sa binabaan niyang taxi na agad umalis. Naka-disguise nanaman siya.

"Jolina," Tawag niya nung makalapit na siya.

Tinignan ko muna siya. Hindi ako nagsalita.

"May sasabihin ka ba?" Tanong niya.

"Gising na si Caedie. Nakakapagsalita na siya ng kaunti. Hindi na siya ganun ka-hina."

Napangiti siya ng kaunti. "Talaga?" Tumango ako at sinubukang ngumiti. Kahit medyo galit ako kay JK dahil pinaasa at pinahirapan niya si Caedie para lang makit siya tapos kakilala naman pala ni JK si Caedie, kinakausap ko pa rin siya. Kailangan kasi ngayon ni Caedie ng mga magmamahal at aaruga sa kanya. Pati na ng mga taong magpapangiti sa kanya. "Salamat Jolina." Sabi niya.

"Pupuntahan mo siya?" Tanong ko. Tumango siya at tumayo na ako sa upuan.

~

{imessage}

Caedie: hi poser ni JK. don't worry okay na ako.

Caedie: wait, tinawag mo akong catherine divine?

Caedie: kilala mo ba ako?

Caedie: Kakilala ba kita?

PSEUDONYM (Juan Karlos Labajo)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon