{juan karlos}Namulat ako at una kong nakita ang maputing kisame.
"Oh, gising ka na pala JK." Sabi ni Jolina na kumakain ng chicharya sa isang tabi.
"Nasan ako? Anong nangyari?"
"Sus, napaka-teleserye naman ng tanong mo. Nasa clinic ka. Bigla ka kasing nawalan ng malay." Sagot niya.
"Nasan si Caedie?" Tanong ko agad. Biglang nanikip ang dibdib ko.
"Nasa booths, nabili ng maiinom. Sabi kasi ng nurse napagod ka daw masyado."
Booths? Nurse? Clinic? Teka.
"Walang leukemia si Caedie?" Tanong ko. Muntikan nang mabilaukan si Jolina sa kinakain niya.
"Ano? Wala! Mygad JK. Ang lakas lakas nung tao, binibigyan mo ng sakit." Sabi ni Jolina.
Bumukas naman yung pinto ng kwarto at pumasok si Caedie. May bitbit siyang dalawang shake.
"Oh, JK buti nagising ka na." Sabi niya.
Kumurap ulit ako. Totoo nga to. Nakatayo si Caedie, makulay, at masigla. Nalilito na ako.
"Alis muna ako mga dudes," Sabi ni Jolina. "Tulungan ko sa labas si Ate Hannah."
Lumagapak na ang pinto.
"Oh, okay ka na?" Tanong ni Caedie habang naupo sa upuan na katabi ng kama ko.
Tinitigan ko lang siya. Totoong totoo na to.
Idinampi niya ang likod ng kamay niya sa noo ko. "Wala ka nang lagnat. Mabuti naman." Sabi niya.
Sinubukan kong umupo.
"Uy JK wag muna—"
"Kaya ko, kaya ko."
Nag-halukipkip lang siya. "Okay ka lang ba talaga?"
Tumango ako. Pero kumunot ang noo niya. "Parang hindi," Sabi niya. Hindi ako nagsalita. Nakatitig lang ako sa kanya. Nailang siya kaya umiwas siya ng tingin at pumunta sa lamesa. May inaayos siya doon, kaya tumayo ako at bumaba ng kama. Niyakap ko siya. Unti-unti nang lumabas ang luha ko.
"JK—"
"Caedie sorry..." Bulong ko.
Tinanggal niya ang yakap ko at humarap sa akin. "Para saan? JK bumalik ka na sa kama at baka mabinat ka pa," Sabi niya. Umiling ako at niyakap ulit siya.
Napasinghap ako.
"Naiyak ka?" Tanong niya. Tumango ako sa balikat niya.
"B-bakit?" Tanong niya. Naramdaman ko na ang kamay niya sa likod ko. "Huy pinapakaba mo naman ako eh..."
Umalis ako sa yakap at nagpunas ng luha.
"Nanaginip ka ba?" Mahinang tanong niya. "Kasi kanina naririnig ko na umuungol ka. Minsan may nalabas na luha sa mata mo. Hindi ka okay eh," Sabi niya.
Napapikit ako at umiling. "Caedie I'm sorry.."
"Para saan? Sorry ka ng sorry wala ka namang kasalanan." Sabi niya.
Tumunghay na ako at tumingin sa kanya. Nakatingin din siya sakin at nag-aalala.
"Caedie meron. Napakalaking kasalanan. Pero sana mapatawad mo pa ako kasi ako sising sisi na ako," Sabi ko. Uminit na ulit ang mata ko at tumulo na ulit ang luha ko.
"Paano ko malalaman kung ayaw mong sabihin?" Mahinang tanong niya. Kinuha niya ang panyo niya at ipinunas sa mata ko. "Tumahan ka na nga, pati ako naiiyak sayo."
Napalunok ako.
"A-ako ba yung napanaginipan mo?" Tanong niya. "Naririnig ko kasi yung pangalan ko."
Napatungo siya. Panaginip lang pala lahat yun. At malaki ang pasalamat ko na hindi yun totoo kaya gagawin ko na lahat ng kailangan kong gawin ngayon. Ngayon na.
Hinawakan ako ang magkabilang pisngi niya at itinunghay ko.
"Caedie sorry dahil iniwan kita," Sabi ko. "Sorry dahil wala akong nagawa para hindi tayo maghiwalay,"
Tumingin na siga sa akin at kumunot nanaman ang noo niya. "Kung ano ako ngayon, para sayo lahat ng yun. Pinaghirapan ko to, para sana matanggap mo ulit ako. Kahit kaibigan lang ulit."
"Ikaw si—Ikaw si..." Tumulo na ang luha niya. Napaiyak ko nanaman siya. Wala na akong nagawa kundi paiyakin siya. "Sabi ko na nga ba.."
"Sorry Caedie," Sabi ko. Tinanggal niya ang kamay ko sa pisngi niya.
"Ikaw si Kaloy?"
"Please Caedie, I'm sorry. Wag mo akong ipagtabuyan, ayoko na. Miss na kita, sising sisi na ako dahil wala akong nagawa. Caedie please—"
"K-kaloy!" Ngumiti siya at niyakap ako ng mahigpit. "Sabi ko na nga ba hindi mo talaga ako iiwan."
Niyakap ko di siya ng mahigpit. "Hindi ka galit?"
"Hinding hindi. Ang tagal kitang hinanap, si JK ka lang pala.." Sabi niya. "Ang daming nagbago sayo, pero yan parin ang ugali mo."
"I miss you Caedie."
"Mas miss kita, shunga."
Natawa kami pareho.