this will be in pov's
{caedie}
"Tara, bili tayo sa KFC." Yaya ni Jolina.
"Libre mo ako,"
"Aba! May pera ka ah!" Reklamo niya.
"Eh ikaw yung magpapasama ah!" Sagot ko. Inirapan niya ako at hinila na pababa sa square.
Pumila kami doon. Nakasunod pa namin si Ate Hannah. VP external naman, ako lang yata hindi SBO dito eh. Kainis.
"Hi Ate Han," Bati ko. Inayos niya yung glasses niya at ngumiti.
"Hi Caedie."
Actually, maganda naman si Ate Hannah. Bagay din sa kanya yung medyo malaki niyang glasses. Straight at bati sila ng buhok niya kasi masunurin sa kanya. Mabait si Ate Hannah, kakilala namin siya since Grade 7 palang kami. Ngayon, Grade 10 na siya, kami naman 9 kaya mamimiss ko siya kasi sa kabilang building na yung Grade 11 at 12.
"Ay! Shems Caedie ito na wallet ko, bilihan mo nalang din ako, may gagawin pa pala ako!" Sabi ni Jolina at inihagis sa akin yung wallet niya.
"A-ano? Huy Jolina!"
"Kita nalang tayo sa classroom!" Sabi niya at nawala na sa dami ng tao.
"Pfft. Trash talker din tong si Jo, ah." Bulong ko.
"Haha, I feel you." Sabi ni Ate Hannah.
Bumili na kami ni Ate Hannah ng pagkain namin pati ng kay Jolina at umakyat na sa second floor. Nadun kasi yung room namin, si Ate Hannah naman sa third. Pero ihahatid na niya ako.
Dumidilim na rin dahil 5:13 pm na. Ang aga nga dumilim. But mabuti narin kasi nagsimula nang magbukas yung party lights sa mala-subdivision naming gym. Ang lawak kasi masyado, kasya pa yata ang isa pang building eh.
"Ate, ikaw wala kang gagawin?" Tanong ko kay Ate Hannah nung makita namin mula sa second floor yung mga ilaw sa gym. May malakas at dumadagundong rin na music galing din doon.
"Tapos na. Tutulong nalang ako paminsan minsan. Ako na kasi yung assigned sa games and contests." Sabi niya.
"Ahh.."
"Uy ang galing mong kumanta kanina sa Singing Contest ah!" Sabi niya.
"Ay hindi naman, haha," Sabi ko. May nakasalubong kaming mga grade 7 and 8 na nagtitilian sa hallway.
"OMG! Andyan na daw siya sa backstage nung gym!" Rinig kong sabi ng isa.
"Oh myyyy. Mamamatay na yata ako sa kilig!" Sabi ba nung isa.
"Ate Han, anong meron?" Tanong ko. Nagkibit balikat siya.
"Ewan. Baka nandun na yung guest para sa concert." Sabi niya.
"Sino ba yung guest?" Tanong ko kay Ate.
"Hindi ko rin alam eh, kasi yung unang kinuha namin, biglang nag-back out at may schedule daw na mas importante. Hindi ko alam kung sino na ang pinalit."
Pumasok na ako sa classroom at nakitang nagkakagulo ang mga kaklase ko sa malakin lamesa namin sa gitna dahil may bagong dalang pizza. Hmph! Hindi na naman ako makakain! Panigurado pag-alis nila jan, kasama na yung karton, taob na.
"Salamat sa pagsama, Ate Han." Sabi ko. Hinintay ko siyang umalis pero hindi siya umalis at pumasok pa sa classroom namin. Umupo siya sa isang upuan na nasa tabi ng dingding, naka-circle kasi tong mga upuan namin.
"Makikigulo na muna ako dito ah, ang boring sa room namin eh." Sabi niya.
"Ah sige lang Ate." Sabi ko. Tumabi ako sa kanya at inayos yung hawak kong disposable na may pagkain ko.
May nagsigawan sa corridor kaya napatayo ako. Ang lakas kasi masyado ng tilian.
Sisilip na sana ako mula sa pinto namin pero biglang sumingit sa harap ko si Ate Hannah.
"Uhm, Caedie pwede pahingi ng soft drinks sa inyo?" Tanong niya.
Tumango ako. "Sige ate. Teka, ikukuha kita."
"Tago! Hindi! Tago tago!"
Napalingon ako sa may pinto. Si Ate Hannah, sumisenyas sa pinto.
"Ate Han, sino yun?" Tanong ko. Binuksan ko na yung takip nung 1.5 na coke.
"Ah wala wala! Yung guest lang siguro, dumaan dito. Baka kukuha ng gamit or magpapractice sa music room." Sabi niya.
"Oh," Sabi ko. Bumaling na ulit ako sa coke. Sino kaya yun?
"Hey, tahimik nga kayo." Saway ni Ate Hannah sa mga nasa corridor na ang lakas pa ng usapan. "Mag-save nalang kayo ng energy para sa concert at party."
At syempre, VP din si Ate Hannah kaya sinunod siya ng mga estudyante.
"Ate oh," Sabi ko at inabot sa kanya yung isang baso ng soft drinks.
Nakaupo na uli siya sa upuan niya kanina. Nagsilabasan yung mga tao sa classroom at kami nalang pala ni Ate Hannah ang nasa classroom kasi dahil dun sa guest na yun.
"Sige lang. Jan muna." Sabi niya.
"A-ah okay?"
Ang weird ni Ate ah. Pinagtitripan lang yata ako. Oh well, wala din naman akong magawa.
Napagisipan ko na ayusin nalang yung mga pagkain sa lamesa. Tinakipan ko na yung iba tutal tapos na naman kumain yung iba. Yung iba naman ayaw na kumain.
Tsk. Sayang tong cake. Pinaglaruan lang. Kinuhit lang ng kinuhit yung icing.
Tinakipan ko yung cake at muntikan ko nang matabig yung isang bote ng softdrinks.
"Oh holy," buti nalang nasambot ko. Doon ko lang napansin na super tahimik na. Tumigil na pala yung tugtog sa gym. At wait, parang walang nagsasalita? Nasan na kaya sila?
Sinubukan kong silipin yung gym mula sa kinatatayuan ko, pero wala eh, ang cute kasi ng height ko. Hindi ko makita yung gym -.-
"Ate Hannah—"
Hala. Nasan na si Ate Han? Ako nalang pala nandito? Oh not. Bumukas yung pinto at pumasok si Jolina.
"Uy, Jolina nasan na sila? Bakit natahimik?" Tanong ko.
"Uhm..."
"Ha?"
"Ahh... n-nasa..."
"Nasa? Uy baka naiwan na tayo!" Sabi ko.
"Hindi ah."
"Eh nasaan?" Tanong ko.
"Ah. Uhm Caedie, advance happy birthday." Sabi ni Jolina.
"Luh? Next next week pa yun ah?" Sabi ko. OMG, ano to, surprise pre-birthday party?
"Alam ko, syempre. Kaya nga advance eh." Sabi niya.
"Okay, salamat." Sabi ko at tumalikod sa kanya. Bumaling uli ako sa lamesa at nag-ayos uli. Madalas kasi ito sa cliché movies kaya baka mangyari din ngayon. Baka paglingon ko uli, may mga banners at balloons and cakes na at bumabati sakin ng happy birthday! Hahaha ang cliché diba?
"Caedie..."
Napatingala ako saglit. Buhay na uli yung ilaw sa gym.
Parang ibang boses na ito ah. Pero parang pamilyar. Kanino nga uli yun? Parang hindi naman kay Jolina kasi panglalaki.
Lumingon ako. Tapos nabitawan ko yung hawak kong paper plates dahil sa panginginig ng kamay ko.
"Hello, Caedie Jane!" Bati ni Juan Karlos Labajo.
