30

5 0 0
                                    




{juan karlos}

Hindi ako nagsalita pagkaupo ko sa tabi niya.

Sinuklay ko lang ang buhok niya gamit ang daliri ko.

"Hhggmmmgh.."

"Shh.. Dito lang ako." Sabi ko. Nagulat ako nung bigla siyang suminghap. Tapos humigpit at pikit niya. "Sshh.."

Umiling-iling siya. Tapos may luhang unti unting tumulo sa pisngi niya. "Lakasan mo ang loob mo, gagaling ka." Sabi ko. Umiling nanaman siya. Ano ba ang gusto niyang sabihin?

Unti-unting bumukas ang mata niya. Doon tuloy tuloy nang umagos ang luha niya. Hinawakan ko ang kamay niya. "Wag kang umiyak." Sabi ko. Pinunasan ko ang pisngi niya gamit ang kabila kong kamay.

"Anong gusto mo? May kailangan ka ba?" Tanong ko. Umiling lang siya. Tatayo sana ako para kumuha ng tubig pero humigpit ang hawak niya.

"Ayan ka nanaman. Iiwanan mo nanaman ako," Sabi niya. Napatingin ako sa kanya. Nakapagsalita siya ng diretso.

"H-hindi. Dito na lang ako. Sige na, magpahinga ka na." Sabi ko. Pumikit siya. "Kilala mo ba si Kaloy?" Tanong niya.

Natigilan ako.

"Caedie—"

"Kilala mo siya?" Tanong pa niya. Baka mabinat ka Caedie. Wag mo pahirapan ang sarili mo. Magpagaling ka naman oh. "Kilala mo siya?" Ulit pa niya. Umiiyak na ulit siya.

Tumango ako. Oo, kilala ko siya, Caedie.

"Oo, kilala ko siya." Sabi ko.

Humigpit ulit ang hawak niya sa kamay ko. "Please, gusto ko maramdaman ang yakap niya. Hanapin mo siya. Miss ko na siya."

Napapikit ako. Miss na din kita, Catherine.

Lumapit ako sa kanya at niyakap siya. "Miss na din kita Caedie." Sabi ko. Napasinghap na din ako. May isang luhang pumatak sa pisngi ko.  Niyakap ko siya ng mahigpit. Ayoko nang bumitaw. Baka mawala pa siya sakin, ayoko na.

Naramdaman ko ang kamay niya sa likod ko. "Akala ko wala ka nang balak umamin," Bulong niya. Hinaplos ko ang buhok niya. "Sorry Caedie. Hindi na ako aalis. Miss na miss na kita." Sabi ko.

"Buti naman at bumalik na si Kaloy. Akala ko iniwan na niya ako." Sabi niya.

"Caedie I'm sorry," Sabi ko.

"Shhh.."

Bumitaw ako sa yakap. Nakapikit na siya at may ngiti sa labi niya.

Biglang tumunog ang machine sa gilid ko. Unti unti nang naging isang diretsong guhit ang nasa monitor.

"Caedie..." Tinapik ko siya. Hindi siya gumalaw. "C-Caedie.."

Isang mahabang tunog na ang narinig ko sa machine. Kinabahan ako bigla.

"Caedie?! CAEDIE?! DOC!"

Pinindot ko ang katabing button sa may dingding. "Caedie.." Hawak ko siya sa braso at inalog alog.

Naramdaman ko nalang na umikot ang paligid ko at naging itim na lahat.

PSEUDONYM (Juan Karlos Labajo)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon