19

3 0 0
                                    

{imessage}

Caedie: Jolina nasan ka na!

JK: wuutt?

Caedie: oops sorry.

JK: whyyaaa?

Caedie: wrong sent obvs.

JK: oh. i thought you still think im jolina. who is she?

Caedie: she is none of your business. and i need to go.

JK: why?

Caedie: stop asking poser.

JK: ouch. okay keep safe.

-

Caedie: JOLINA ASAN KA NA BA?!

Caedie: JOLINA ANG LAKI LAKI NG GYM NASAAN KA NA?!

Caedie: uuwi nalang ako.

Jolina: NO! omg slr. may inasikaso pa ako sa backstage! may nabago sa program nung concert eh.

Caedie: idc. nasaan ka ba?

Jolina: sa backstage.

Caedie: wala akong kasama dito! >:(

Jolina: edi pumunta ka dito

Caedie: pwede?

Jolina: duh

Caedie: k. coming.

-

{caedie}

"Excuse me,"

Ugh. Bingi ba to? "EXCUSE ME MAY DADAAN PO."

"Ay, okay."

Tss. Nagmadali na ako na pumunta sa backstage at talagang nakaka-OP na dito. May harang na agad papunta sa backstage at may guard. Psh.

"Kuya padaan ho," sabi ko.

"SBO ka?" Tanong niya.

"Opo."

"Position?"

"Muse!" Naiiritang sabi ko. Tumango siya at inusod yung harang. Haha muse daw. Wala ngang muse sa SBO eh. Hahaha loka.

Pumasok na ako sa backstage at may isang hallway na tahimik. May dalawang pintuan. Nasaan si Jolina dito? Badtrip. Pinagtitripan yata ako ah?

"Jolina?" Tawag ko.

Naglakad nalang ako sa hallway. At binasa yung isang pangalan sa pinto.

JK Labajo. May narinig akong nagtatawanan sa dulo ng hallway.

"Tsk. Jolina babatukan na talaga kita." Sabi ko at lumapit sa kanya.

"Hahahaha. Sorna hahaha. Sige halika na nga dito. Hahaha."

Sabog ba to? Bakit tawa ng tawa?

Hinila niya ako papasok sa pinto kanina. Yung katabi nung kay JK.

"Upo ka," sabi ni Jolina.

"Bakit?"

"Sige tumayo ka ako nalang uupo bahala ka." Sagot niya.

"Ewan ko sayo," bulong ko at umupo na sa upuan na tinuro niya.

Nagulat ako ng may bigla siyang hinila sa buhok ko. "Dmn, ang sakit ah! Walang paalam?"

"Hoy hairpin ko yan! Anong gagawin mo jan?" Dagdag ko pa.

"ATE HANNAH!" Sigaw ni Jolina. Bumukas yung pinto.

"Oh bakit?" Tanong ni Ate Hannah.

"Safety precautions ho, at baka ma-emergency room tayo dito," Sabi ni Jolina.

Ha? Ang gulo. Ano ba to? Anong trip nila? Dapat ba alam ko to? Tsk.

"Okay,"

Pagkasabing pagkasabi ni Ate Hannah nun, may nag-piring sa akin.

"Ano to? Bakit may pa-blindfold pa kayo?"

"Shh. Daldalita." Sabi ni Jolina.

Naramdaman ko nalang din na may nag-tali ng kamay ko sa armchair.

"Hoy! Mga loko ano to?" Tanong ko.

"Make over," Rinig kong tawa ni Ate Hannah.

"Walang hiya! Ayoko!"

Ako naman kasi tong si uto uto, nakisunod naman sa kanila. Ugh.

Tinanggal pa nila yung isa ko pang hairpin sa buhok. And in just few moments, nakakaramdam na ako ng mainit sa buhok ko.

"Tae, pinaplantsa niyo?! Wag!"

"Sorry not sorry!" Tawa ni Jolina.

Kung ano ano pa ang pinaggagawa nila sa akin. Nung tinanggal nila yung piring ko, tinambakan ko sila ng mura. Brutal na kung brutal, eh sa ayaw kong inaayusan eh?

"Tapos na?" Naiirita kong tanong.

"Make up pa." Sabi ni Jolina na nilalabas yung isang make up set.

"WAG! PUSANG GALA JOLINA. AYOKO MAG-MAKE UP!"

"Eh,"

Nagpupumiglas ako pero sa huli, isang babaeng straight ang buhok na may make-up ang nakaupo sa armchair at nakagapos pa. Ang biyolente nila no? Parang ako hindi.

"Wag mo yang alisin ha," Sabi ni Jolina. Inirapan ko siya. "Sige na, may gagawin ka kasi kaya ka ginanyan."

"Ano, manghaharang ng mga gustong sumugod sa stage?"

"May sinabi ba akong magba-bouncer ka?"

Inirapan ko nanaman siya.

"Ano nga?"

"Kakanta ka."

"Okay kakanta lang pala eh— SHETE ANO?!" Gulat kong tanong.

"Paos kasi yung dapat na kakanta bago si JK. Yung pang intermission number." Sabi niya.

"Bakit ako?"

"Eh kasi walang pumayag. Nahihiya sila."

"EH AKO? BAKIT, PUMAYAG BA AKO?" Sigaw ko.

"EH WALA KA NAMANG HIYA EH. SI JK NGA TINARAYAN MO PA." Sigaw niya naman.

Kahit kailan, ang hard nitong kaibigan ko na to.

"Eff u,"

Tumawa lang siya. Umupo uli ako sa upuan at naghalukipkip.

"Be ready, you'll be up in ten minutes." Paalala niya. Tumango nalang ako. Umalis na siya para makapag-vocalize na ako. Alam niya kasi na yun lang yung ikinahihiya kong makita niya kasi ang weird ng mga pang-vocalize ko.

Inhale, exhale, go caedie.

PSEUDONYM (Juan Karlos Labajo)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon