{imessage}
JK: hello caedie :)
Caedie: ano bang gusto mo?
JK: wala naman
Caedie: bakit ka pa nang gugulo?
JK: nakakagulo na ba ako? sorry.
seen 5:55 pm
-
{caedie}
"Jolina ayoko na magbaback out na akoooo!" Sigaw ko ulit sa mukha ni Jolina.
"Wag ka ngang maingay! Mas malakas pa yata yang boses mo sa emcee sa stage!" Sabi ni Jolina. "At hindi ka na makaka-hindi kasi HAWAK MO NA YANG MIC. WALA NANG TANGGIHAN TO BRUH."
"Eh kinakabahan ulit ako! Hindi pa ba okay yung kaba ko kanina sa contest?! Baka atakihin na ako sa puso!" Reklamo ko.
"Hindi ka titigil? Nagawa mo na nga kanina eh. Kaya mo yan!"
Naupo ako at tinuyo yung kamay ko na kanina pang namamawis. Tsk. Bakit ba kasi ako pumayag dito.
May kumatok sa pinto nung room namin. Kaya binuksan ni Jolina.
"Caedie, change song ka daw," Bungad ni Ate Hannah.
"ANO?!"
"Wala daw kasing minus one yung dj sa labas nung kanta mo." Sabi pa niya. Mas lalong bumilis ang heartbeat ko.
"Yung kanta ko nalang kaya kanina?" Suggest ko.
"Tsh. Nakakaumay. Yun nanaman? Iba na lang. Sabi nung dj Like I'm Gonna Lose You nalang daw."
Nanlaki ang mata ko. "Yung kay Meghan Trainor? Wag!"
"Bakit?"
"Hindi ko memorize yun!"
"Hoy alam mo kaya yung first verse at chorus! Kinakanta mo kaya yun!" Singit ni Jolina.
"Epal ka!" Sabi ko. "Pero seryoso, yun lang alam ko!"
Ngumiti si Ate Hannah. "Okay na yun. Good luck, Caedie Jane."
Mas lalo akong kinabahan sa good luck na yan. Mas pinamukha pa sa akin na sasabak ako sa kahihiyan.
"Next ka na, Cads." Sabi ni Jolina.
"Holy sht, noooo!"
Hinawakan ni Jolina ang magkabila kong balikat. "You got this, Caedie."
I gulped. Shems.
Lord sana po hindi ako mapahiya dito! Ikababaliw ko po yun!
"—Caedie Jane Zamora!"
Shems tinawag na ako ng emcee. ugh.
Lumabas na ako ng room, kasunod ko si Jolina. "Go," Bulong niya. "Sa front row lang ako."
As I stepped on the stage, mas tumaas pa talaga yung kaba ko. I know, ang kapal ng mukha ko pero kaya ko yun pag kaunti lang ang kaharap ko!
Nagsimula nang tumugtog yung intro. I held my mic up.
"I found myself dreaming," shems ang fail ko. "in silver and gold,"
Tinignan ko ang buong gym, nakatuon lahat ang attention nila sa akin. Waah. Gad.
"Like a scene from a movie that every broken heart knows
We were walking on moonlight
And you pulled me close
Split second and you disappeard and then I was all alone
I woke up in tears, with you by my side