{caedie}"Mas masarap kaya yung KimBob!"
"Tokyo tokyo nalang,"
"Japanese yun eh!" Sabay pa sila. Nagkuskos ako ng mata at unti-unting imunulat ito. Nakahiga ako sa sofa at nasa harap ko sila Jolina, Nic at JK na nag-uusap. May kumot na nakatakip sa akin.
"Shh, nagigising si Caedie," Sabi ni JK.
"Hindi okay lang," Sabi ko. "Gising na ako."
Bumangon ako at naupo lang sa sofa.
"May kailangan ka?" Tanong ni JK.
"Wala naman," Sabi ko.
"Yieee. So okay na kayo?" Tanong ni Jolina.
"Never better," Sagot ni JK at tumingin sa akin.
Napaiwas ako ng tingin. Umupo sa tabi ko si Jolina.
"Nakatulog ka kanina, kaya inihiga ka ni JK, diba?" Sabi ni Jo. Tumango naman si JK.
Buti nalang hindi sinabi ni JK yung part na nakatulog ako ng nakayap sa kanya. I guess I was really tired.
"Gusto niyo ba pumunta sa party mamaya sa roof top? Isasama ko kayo." Sabi ni JK.
"Sure," Sabi ni Nic. "Sounds good."
Pumayag na lang din ako. Napansin yata nila na lutang ako.
"Hey, Cads," Tawag ni Jolina. "You alright?"
"O-oo, okay lang ako." Sabi ko. Although hindi ko talaga alam kung okay ako. Parang nahihilo ako or inaantok ulit. But I can't be possibly sleepy dahil kakatulog ko lang.
"Okay then, mag-iikot lang kami ni Nic dito sa building. Sabi ni JK maganda daw dito," Sabi ni Jo. Tumango nalang ako at hinintay na makalabas sila. And again, it was just the two of us.
"Hindi ka okay," Sabi ni JK. "Tell me. Anong nararamdaman mo?"
"Wala to, siguro kakagising ko lang kasi." Sabi ko. Pumunta siya sa kusina at bumalik na may dalang cup.
"Hot choco," Sabi niya. Kinuha ko ang cup absentmindedly at uminom.
"Alkh!" Napasigaw ako sa init. "Mainit nga pala! Shems,"
Agad lumapit sa akin si JK. "You lil clumsy head. Of course mainit yan!" Sabi niya at tumawa. Inirapan ko siya. I have a burnt tongue. May kinuha siya sa kusina.
"Sugar," Sabi niya. "Place some on your tongue."
I did. It worked a bit. Nawala na yung pain dahil sa burnt tongue.
"Okay ka lang ba talaga, Caedie?" Tanong niya. "Parang wala ka sa focus."
"I'm fine." Sabi ko. "No need to worry your ass off,"
"Okay then." Sagot niya. "So sasama ka ba sa roof top mamaya?"
I gave him a nod and blew my hot choco.
~
Sa roof top, may stage sa left part at may mga maliliit na tables all around the area. May DJ, which is cool, tapos may buffet doon sa may right side. Hindi siya para sa heavy meals though. Mostly chips and tacos, some nachos and desserts. As much as I want to go and eat each one of them, hindi ko kaya at the moment. Bad trip kung kelan may chance saka hindi ko kaya maglalalamon.
"Anong meron dito?" Tanong ni Jolina. "What kind of party is this?"
"Acquaintance party," Sagot ni JK. "Para mas makilala mo ang mga kasama mo dito sa condo. But I'm here for food, you see."
Naupo kami sa isang lamesa kasama ang isang tambak na pagkain. All we did was eat eat and eat.
"Ang boring, ayaw niyo sumayaw?" Tanong ni Jo.
"No way, Campano." Sagot ko. Tinignan niya si JK at Nic na parehong umiling sa suggestion niya.
"Come on, guys," Yaya niya. "Don't be so Lame'o,"
"We just ate a horse, Jo! Grabe ka naman kung kakakain mo palang sasayaw ka na?" Sabi ko. "And besides, ang weird kaya."
"Whatever," Sabi niya at lumapit sa DJ. Inabot niya yata yung phone niya tapos nag-usap sila ng DJ. Maya maya pa parang kinonnect nung DJ ang phone ni Jo sa system. At siya pa ang pumili ng kanta. Ayun, nagtatatalon sa tuwa.
I'm a fan of music. Since three pa yata yun? Inayos ko ang upo sa upuan ko at pinanood si Jo na sumayaw. Hindi pa siya lasing niyan ah. What more.
~
"Thank you for the party, JK." Sabi ni Jo. "I enjoyed!"
"Di halata," Bulong ko. Hindi niya ako pinansin imbis ay naglakad na siya palalayo sa hallway.
"Um, better go." Sabi ko. Tumango ako kay JK at tumalikod na.
"Wait," Sabi ni JK. Kinuha niya ang phone niya at nag-type.
Agad na nag-buzz ang phone ko.
Message from JK
Kahit ayaw ko maniwala, wala na akong magagawa. Dahil alam ko na lahat lahat and only I can decide.
Can I text you?
Nag-type ako ng reply ko.
Sure. Anytime.
Ngumiti siya sa akin at nag-wave na ako ng goodbye. Tumakbo ako para masundan sila Jo. Naabutan ko silang nag-hihintay sa elevators.
"How was it?" Tanong ni Jo. Nakatayo lang sa tabi namin si Nic. "How was your day?"
"Fun yet tiring." Sabi ko. "Worth it, though. Thanks Jo."
She winked at cue nanaman para mag-reklamo ako.
"Yuck Jo, yuck."