37

2 0 0
                                        




{jolina}

"Hindi pwede, Ate Han." Sabi  ko. "Hindi ako naniniwala sa sinasabi ni Caedie. Ganyan din yung dahilan na sinabi niya nung nag-hihiwa ulit siya ng braso eh!"

Nasa labas kami ng canteen at wala akong pakialam kung magsitinginan sila sa akin. Bahala sila. Kinuha ko ang bag ko sa kamay ni Ate Han at isinukbit sa likod ko.

"Kung ayaw mo maniwala, ako nalang. Pupuntahan ko si Caedie." Sabi ko.

"Alam mo ba yang sinasabi mo, Jolina? You're going to cut classes? Ikaw na VP Internal?" Hindi makapaniwalang tanong ni Ate Han.

"Hindi naman nila malalaman." Madiin na sambit ko. "Unless may isang magsabi." Tinitignan ko siya ng madiin. Nung naramdaman ko na tulala na siya, tumakbo na ako papalayo sa kanya.

Caedie ano ba kasi ang nangyari sa inyo ni JK? Bakit hindi ka pumasok?

Tinakbo ko ang back gate ng school at doon ko inakyat para makapunta sa kabila. Tumakbo ako ng mabilis. Sumakay ako ng taxi sa makalabas ng kanto mula sa school namin. Pinagmadali ko yung driver at halos ako na ang magmaneho papunta kay Caedie dahil sa pagtulak-tulak ko sa driver.

"Eto kuya bayad! Keep the change!" Sigaw ko at nag-hagis ng isang libo at lumabas na ng taxi. Tinakbo ko ulit ang street papunta sa bahay nila Caedie.

Napahinto ako sa harap ng bahay nila at hinihingal na ako. Sarado ang pinto. Sabi na nga ba.

Lumapit ako at binuksan ang pinto. Hindi siya nakalock. Medyo nakahinga ako ng maluwag. Pero hindi parin ako kampante dahil kilala ko si Caedie.

Dumiretso ako sa loob ng bahay nila. Nagmasid-masid ako sa paligid.

"Caedie?" Tawag ko. Nag-echo lang sa buong bahay nila ang boses ko. "Caedie nasaan ka?"

"Nakita mo na siya?"

Napatalon ako sa gulat. Tumalikod ako at nakita ko si Ate Hannah.

"Bakit ka nandito?" Tanong ko.

"Nag-aalala din ako eh." Sabi niya. May tumunog na pagsara ng pinto ng kotse sa labas. Sinilip ko. Bumaba sa kotse nila Ate Hannah si Nic. Kaklase yata ni Ate Han.

"Kailangan ko siyang makita." Sabi ko. Umalis na ako sa sala at umakyat ng hagdan. Hinanap ko ang kwarto ni Caedie. Bumilis ang tibok ng puso ko.

Kumatok ako sa pinto. "Caedie?"

Huminga ako ng malalim. "Caedie si Jolina to. Nandyan ka ba?"

Kinuha ko ang susi ng kwarto niya sa may halaman. Tinuro ito sa akin ng nanay niya in case.

Binuksan ko ng tuluyan ang pinto dahil hindi naman siya sumasagot. Naglakad ako papasok ng kwarto niya.

"Caedie nasan—AAAAHHH!!"

Nakita ko siyang nakahiga sa sahig sa tabi ng kama niya, napapalibutan ng sarili niyang dugo.

"Caedie! Ate Hannah! Ate Hannah!" Nagsisigaw na ako dito. Ipinikit ko ang mata ko. Ayokong makita si Caedie. Ayoko, ayoko. Ipinikit ko ng mahigpit ang mata ko at napaupo sa sahig. "Ate Hannah! Ate Hannah! Ate!"

Tumutulo ang luha ko sa pisngi ko at nakaramdam ako ng yabag sa may hagdan.

"Ate Hannah! Ate Hannah! A-Ate Hannah..." Paulit-ulit lang ang tawag ko sa kanya. Nakaramdam ako ng kamay sa balikat ko. "Jolina, iuuwi ka na ni Hannah." Sabi ng boses. Si Nic yata yun. Nakapikit parin ako at binuhat niya ako palabas ng kwarto ni Caedie. Ibinaba niya ako sa sofa at doon ko binukas ang mata ko.

"Ate Hannah..Ate Hannah.." Umiiyak ako ng yapusin ako ni Ate Hannah at akayin ako sa kotse niya. May ambulance na din sa labas na kasunod ng kotse niya.

"Nic! Nic si Caedie! Si Caedie!" Sigaw ko. Hinila ni Ate Hannah ang braso ko papasok ng kotse niya. "Tama na, Jolina. Uuwi na kita."

Pagkapasok ko sa kotse niya, isinubsob ko agad ang ulo ko sa unan.

"Shhh...tahan na Jo." Sabi ni Ate Hannah at naramdaman ko na gumalaw na ang kotse.

PSEUDONYM (Juan Karlos Labajo)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon