29

2 0 0
                                    




{jolina}

Lord please. Wag niyo muna kunin si Caedie. Lalaban pa siya. Kailangan pa namin siya.

Bumukas bigla ang pinto.

"Nasaan si Caedie?" Tanong agad ni JK.

Tumayo ako at lumapit sa kanya. Hindi ko na mapigilang hindi umiyak. Mukha akong ewan doon, nakaharap kay JK at iyak ng iyak.

"Nasa ICU na siya JK. Inilipat na siya."

Hinawakan niya ang balikat ko at tinapik tapik. "Kaya yan. Lalaban si Caedie." Sabi niya.

Gusto kong paniwalaan. Kaso malala na ang sakit niya. Anytime pwede na siyang mawala. Pero andami ko pang gustong gawin kasama siya. Gusto ko pang sabay kami mag-graduate sa college. Gusto ko pang makasama siya ng mas matagal.

"Pagagalingin ni God si Caedie. Maniwala ka." Sabi pa niya.

Sana nga gumaling pa si Caedie. Alam kong hindi niya din gusto ang nangyayari sa kanya. Sana lumaban pa siya.

Matapos kong kumalma, nag-punta na kami sa ICU. Isa lang muna ang pwedeng pumasok kaya pinauna na ako ni JK.

Dahan dahan kong binuksan ang pinto. Nakita ko siya doon sa isang kama, may oxygen, at natutulog.

"Alam kong rinig mo ako ngayon, Cads." Sabi ko. Umupo ako sa tabi niya. "May naghihintay sa labas. Alam kong gusto mo siyang makita."

Inayos ko ang buhok sa may mukha niya.

"Mmmhhmmgghhh..."

Napatingin ako sa kanya. "G-gusto mo siyang makita?"

"Mmhhmm..." Ungol niya. Pikit parin siya. Siguro pinipilit lang niya na mag-salita. Mahina pa siya.

"Sige. Tatawagin ko. Magpahinga ka lang jan ha. Wag kang magaalala. Gagaling ka." Sabi ko.

Tumayo na ako at nasa may pinto na nung makarinig ako ng ikinagulat ko.

"S-si Kaloy.."

Bumalik ako sa tabi niya. "Caedie? Sino si Kaloy?"

"Hhmmgghh.."

"Wag mo pilitin ang sarili mo. Okay lang." Sabi ko.

Umiling siya. Hay. Ano kaya ang gustong sabihin ni Caedie.

Ah. Wait.

Kinuha ko ang cellphone ko sa bag ko at binuksan ang notepad. Inabot ko sa kanya. Dahan dahan siyang pumindot sa keypad. At binasa ko pagkatapos.

punta dito kaloy

"Caedie, sinong Kaloy? Si Carlos? Caedie matagal nang wala si Carlos diba? Iniwan na niya tayo nung 6 palang tayo." Sabi ko. Umiling nanaman siya. At biglang may tumulong luha sa mata niya. Sh*t baka mapasama pa si Caedie dito. Anong gagawin ko? Paano ko siya papakalmahin?

"Cads matulog ka nalang ulit, please?"

Umiling nanaman siya. "K-kammmgghh.."

Sh*t na yan. Bakit gusto niyang makita ngayon si Kaloy? Saan ko naman yun hahanapin? Baka nga nasa ibang bansa na yun eh. Cads wag mo akong pahirapan.

"Jan ka lang ha, may gagawin lang ako." Sabi ko. Lumabas na ako ng room. Nakita ko na naglalakad sa hallway si JK.

"Saan ka galing?" Sabi ko habang tinatanggal ang face mask.

"Sa chapel," Maiksing sagot niya. "Kamusta si Caedie?"

Napabuntong hininga ako. "Ikaw kaya muna ang pumasok. Baka mapapakalma mo siya. Umiiyak kasi siya eh."

Nagiba ang ekspresyon niya. "Bakit?"

"May hinahanap siya eh. May sinasabing pangalan. Patahanin mo muna." Sabi ko.

Tumango siya at pumasok na para magsuot ng mask.

Bumaling ako sa bag ko at kinuha ang phone ko.

Sinubukan kong tawagan yung number ni Carlos kahit alam ko na matagal na yun. Wala. Expired na yata ang sim niya.

Sinubukan ko din hanapin siya sa facebook.

Carlos Lopez

Madaming lumabas pero wala siya sa isa doon. Ugh. Kaloy nasaan ka na?

PSEUDONYM (Juan Karlos Labajo)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon