{jolina}"Pwede na kayong pumasok."
Hindi man ako ang magulang ni Caedie, ako ang nanguna papasok ng isang kwarto. Hinila ko pababa ang itim na t-shirt na suot ko dahil masyado siyang maliit sa akin.
"Nakita mo na siya?" Tanong ulit ni Ate Hannah sa likod ko. Umiling ako at naupo sa isang upuan na malapit sa akin.
"Silipin mo siya," Bulong ni Ate Hannah. Umiling ulit ako. Ipinikit ko muna ang mata ko habang hinihintay na pabayaan ako ni Ate Hannah mag-isa.
Lumapit sa akin si Tita at inabutan ako ng juice. "Okay ka lang?" Tanong niya. Bilib ako kay Tita. Ang galing niya magtago ng nararamdaman niya. Kahit alam ko na malungkot siya ngayon, ako pa rin ang kinocomfort niya.
"Mamaya ko na lang po sisilipin si Caedie." Sabi ko.
"Sige." Sabi niya. Tumayo na siya sa tabi ko. "Ako muna ang magbabantay sa kanya."
Nalakad na siya sa kung saan naroon si Caedie. Saktong bumukas naman ang pinto ng kwarto.
"Excuse me po," Sabi ng nurse. "Nasaan po si Mrs. Zamora?"
Tumaas ang tingin ko sa kung saan naroon nakatayo ang nurse. "Nasa pasyente po," Sagot ko. Tumango sa akin ang nurse at pumasok na sa loob. Kasunod niya ay si Nic.
"Kamusta Jolina?" Tanong niya. Umupo siya sa tabi ko at nag-abot ng sandwich.
"Eto," Sabi ko. "Hindi parin makapaniwala na kayang gawin yun ni Caedie."
"I guess nakapagpalit ka na ng damit?" Sabi niya.
"Oo, may dugo eh. Kung ano ano nalang ang kinuha ko at nagmamadali din akong paalis ulit."
"Sa tingin mo, bakit nagawa yun ni Caedie? May problema ba siya?" Tanong ni Nic.
Natigilan ako. This time, paninindigan ko na amin amin lang ang sitwasyon na to. Sana makaya namin. Hindi ko sasabihin kay Nic ang totoo, tama. Pero alam kaya ni JK? Hindi ko na alam ang gagawin ko. Kailangan ko ng tulong pero kaming tatlo lang ang involved dito.
It's either me...or Juan Karlos.
Gah. Sumasakit na ang ulo ko.
Narinig ko ang boses ng nurse na nagsasalita. "Kailangan niya pong masalinan ng dugo. Madami nang nawalang dugo sa katawan niya."
"Sige po. Kahit ano, gumaling lang siya."
Bumalik ang pansin ko kay Nic nung umubo siya.
"H-hindi ko nga alam eh," Pagsisinungaling ko. "Lalabas muna ako."
Tumakbo ako sa pinakamalapit na waiting area. Doon mag-isa lang ako at tahimik. Hindi nakabukas ang TV at ako lang talaga. Binuksan ko ang balot ng sandwich at kumain. Hindi ako pwedeng magkasakit lalo na at kailangan ako ni Caedie. Sana gumaling na siya.
Hindi pa ako nangangalahati sa sandwich ko, may narinig na akong yabag ng mga paa sa sahig. May kumakaluskos din kaya napalingon ako. Andoon sa likod ko si Ate Hannah, nakaupo. Tumalikod na ulit ako at kumagat sa kinakain ko.
"Alam kong may gusto kang sabihin, Jolina." Sabi niya.
Nanahimik lang ako at patuloy na ngumuya ng kinakain ko.
"May kailangan kang ipaliwanag sa akin, Jo."
Namalayan ko nalang na nakaupo na siya sa tabi ko. Hinawakan niya ang braso ko at tinignan ako sa mata.
"Hindi ko alam," Sagot ko. Tumango siya. "Alam ko na hindi sinabi sayo ni Caedie kung bakit niya gagawin yun. Kasi kahit nga hindi niya sabihin sayo, pinipigilan mo siya eh." Iniwas ko ang tingin ko sa kanya.
"Pero gusto ko lang na malaman kung anong nangyari bago ang lahat ng ito," Sabi pa niya. Nilukot ko ang tissue paper at pinaikot-ikot sa kamay ko. "Open up, Jolina. Makakatulong to."
"Sige, sasabihin ko." Sabi ko sa kanya. "Kailangan ko ng tulong mo, Ate."
"Go on."
"Nung isang araw kasi, nagkita kami ni Caedie sa isang coffee shop. Humihingi siya ng advise para magkabati na sila ni JK," Nag-flinch siya sa pangalan ni JK. Mukhang ineexpect na niya ito. "Nagkamisunderstanding kasi sila. Maliit lang naman. Kaso naging big deal yata kay Caedie."
Tumango siya.
"Tapos ano, ah..." Napatigil ako at naalala ang nangyari. Kasalanan ko. Pinag-usap ko sila ng hindi pa sila handa. Agh. "P-pinapunta ko si JK sa coffee shop para mag-usap sila."
Napahawak sa ulo si Ate Hannah. "Sige, ano pa?"
"Umalis na ako nung dumating na si JK. Hindi ko na alam kung ano ang nangyari. Wala naman siyang sinabi, maski si JK, wala din siyang sinabi." Paliwanag ko.
Tumango ulit siya at natahimik saglit.
"Alam na ba to ni JK?" Tanong niya. Dahan dahan akong umiling.
"Bakit hindi mo pa sinasabi, Jolina?" Tanong niya.
"Ewan. Basta hindi ko pa siya nakakausap."
Bakit nga ba hindi ko sinasabi kay JK? Naghihinala ba ako sa kanya? Anong nangyari sa kanila ni Caedie? Parang nawawala na ang tiwala ko kay JK, ganun ba?
"Tawagan mo siya. Sabihin mo." Sabi niya. Tumayo na siya sa upuan at kinuha ang bag niya. "Pupunta na ako sa room."
Nawala na siya sa paningin ko, hindi ko parin kinukuha ang phone ko. Hindi ko kayang makipag-usap ngayon. Ano namang sasabihin ko? Hello JK, alam mo ba si Caedie nagpakamatay? Ayan nasa ospital kami ngayon, bye!
Syempre hindi. Agh. Itetext ko na nga lang siya.
Sa wakas, kinuha ko ang phone ko sa bulsa at hinanap ang convo namin ni JK sa messages ko. Matagal tagal din akong nag-type, pero binura ko ulit at pinalitan. Sa huli, napagisipan ko na yun nalang ang sasabihin ko.
Nasa ospital si Caedie.