CHAPTER 14: DALAGANG INA
Alexa's POV
Lumipas ang mga araw. At tama nga ang sinabi nila Princess. Hindi ko maiiwasan ang mga bully sa RU. At mas lalong lumala nung kumalat ang balita na anak ko si Andrea. Na isa akong dalagang ina.
"Hi Miss! Gusto mong sumama sa pad ko?" sabi ng isang mukhang manyak na nadaanan ko.
Yumuko ako binilisan ang paglalakad. Pero biglang may humila sa akin at dinala ako sa kung saan. Kinorner niya ako sa pader at saka may binulong.
*PAAAAK*
"BASTOS! Lumayo ka sa akin." inis na sabi ko sa kanya, pagkatapos ko siyang sampalin.
Walang hiyang lalaking ito. Anong akala niya sa akin? GRO? Tama bang yayain niya ko makipag ano sa kanya.
"Aray! Kung makapagsabi ka naman na bastos... akala mo kung sino kang malinis na babae. I'm sure anak mo si Andrea sa isang lalaki na---" bago pa niya matapos ang sasabihin niya ay sinampal ko siya ulit.
"Wala kang alam. Hindi mo ko kilala. Alis!" tinulak ko siya palayo sa akin. Paalis na sana ako nang bigla niya akong hatakin papasok sa isang lumang building.
"Bitawan mo ko! Tulong!" - ako
Sinadal niya ako sa pader. Hawak niya ang kabilaan kong kamay na nasa gilid ng ulo ko. Pilit niya akong hinahalikan.
"A..no ba! Bi.. tawan mo ko!" pilit kong iniiwas ung ulo ko sa kanya.
"TULONG!!!" - ako
Napapikit na lang ako.
*BOOOGGGSSHHHH*
Dinilat ko ang mata ko. Nakita ko si Kuya King na binubugbog ung lalaking kamuntik ng mangrape sa akin.
"@#$% ka! Kapatid ko yang binabastos mo! @#%&*@$! Mamatay ka na!" galit na sabi ni Kuya King sa lalaki habang sinusuntok.
Ngayon ko lang nakita si Kuya na galit na galit. Nakakatakot siya!
"Kuya tama na!" tumakbo ako kay Kuya. Hinila ko na siya palayo doon sa lalaki. Dumudugo na kasi ung mukha nung lalaki saka baka mapatay pa niya.
BINABASA MO ANG
DARK ROYALTIES 2: THE GHOST OF PAST (UNDER REVISION)
Любовные романыQueen Alexandria M. Rutherford - isang kilalang psychic. Masayang numumuhay sa Batangas kasama ang kanyang anak at ang kanyang boyfriend na si Kith Michael Scott. Hangang sa namatay si Kith na naging dahilan ng paglipat niya sa Manila. Jerwin Volta...