CHAPTER 19: HAZEL
Alexa's POV
Pagkatapos ng dalawang araw na walang pasok dahil sa bagyo. Back to school nanaman kami. Kasabay kong pumasok si kuya, doon na kasi talaga siya sa condo ko tumira. Ibebenta na daw niya ung condo niya.
"Bakit ba ayaw mo ng pumunta sa condo mo?" tanong ko sa kanya ulit. Araw araw ko sa kanya yan tinatanong pero wala pa rin ako nakukuhang sagot mula sa kanya.
"Break na kami ni Xenah." tumigil ako sa paglalakad. Tinignan ko siya kung seryoso ba siya o niloloko niya lang ako.
"Bakit?" tanong ko sa kanya.
"Niloko niya ako." - Kuya King
"Sorry." - ako
"Bakit ka nagsosorry?" kunot noong tanong niya.
"May sinabi sa akin si Kith tungkol kay Xenah, pero hindi ko yun sinabi sayo." nakayukong sabi ko.
*Flashback*
"Si Xenah ba girlfriend ng kuya mo?" tanong sa akin ni Kith habang nagdadrive. Nasalubong kasi namin sila kuya at Xenah sa isang restaurant.
Kakagaling ko lang noon sa trabaho ko at dahil ayaw talaga ni Kith na magcommute ako, sinundo pa niya ako. Masyado daw kasi malayo ang Manila sa Batangas.
"Oo bakit? Kilala mo siya?" - ako
"Hindi ko siya personal na kilala pero alam ko ang tungkol sa pamilyang pinanggalingan niya. Arllyne Xenah Montallana, anak ng isang pinakamayaman na businessman sa buong mundo at mafia." - Kith
"Anak siya ng mafia ibig sabihin isa ang pamilya nila sa kinakalaban niyo?" - ako
BINABASA MO ANG
DARK ROYALTIES 2: THE GHOST OF PAST (UNDER REVISION)
RomanceQueen Alexandria M. Rutherford - isang kilalang psychic. Masayang numumuhay sa Batangas kasama ang kanyang anak at ang kanyang boyfriend na si Kith Michael Scott. Hangang sa namatay si Kith na naging dahilan ng paglipat niya sa Manila. Jerwin Volta...