CHAPTER 65: GOODBYE, KHYLLE

1.4K 36 0
                                    

CHAPTER 65: GOODBYE, KHYLLE

Zyrille's POV

"Janzen kain ka na muna oh," alok ni Kuya Jazzer sakin sabay abot ng pagkain.

"Wala akong gana kuya ikaw na lang," pagkasabi ko nun bigla akong tumayo.

"Ohh! Teka san ka naman pupunta?" gulat na tanong ni Kuya.

"Sa labas," sagot ko naman.

"Bakit? Anong gagawin mo dun?"

"Magpapahangin lang," sabay talikod sa kanya.

"Sandali lang sasamahan kita, Keith ohh hawakan mo toh," sabay bigay kay Keith nung pagkaing inaalok nya kanina.

"Kuya wag na kaya ko naman ehh tyaka hindi ako lalayo," biglang sagot ko.

"Hindi pwede! Pano ku--" pagpupumilit niya.

"Kuya! Please," biglang sabi ko saka ako umalis at iniwan sila.

Sorry Kuya but I need this.

Nandito ako sa labas ng bahay nila Xandra medyo unti na rin ang mga taong nagsisipasukan kaya pwede na siguro dito, gusto ko munang mapag-isa ayaw ko muna sa kanila. Itinungo ko ang ulo ko at saka pumikit. Hindi ako matutulog pero ayaw kong makakita ng ibang tao ngayon kaya ginagawa ko toh.

"Ahh! Miss bawal matulog dito," sabi ng isang lalaki sa tabi ko. Feeling ko nga nakaupo na din ito sa tabi ko sa lakas ng pagkakasabi niya.

Tumingala ako para makita kung sino yun at akala ko naman kung sinong guard ang nagsita sakin yun pala si Stanley lang.

***********

Stanley's POV

Pagkadating namin sa bahay nila Xandra may nakita akong pamilyar na imahe na palabas sa bahay.

"Patrick! Anong petsa na ang tagal mo namang lumabas dyan," pagrereklamo ni Dane.

"Oo na eto na sandali lang kasi," sagot naman ni Patrick.

"Let's go!" pagyayaya ko. Gusto ko na kasing makalapit dun sa lumabas kanina dahil mukhang alam ko na kung sino yun.

Tuloy-tuloy lang sila sa pagpasok habang ako naiwan sa labas nang hindi nila namalayan, nasa likod kasi nila ako habang naglalakad. Hindi na ako nagpaalam sa kanila dahil sure ako na kapag nagpaalam pa ako sa kanila, hindi ko na mapupuntahan yung pupuntahan ko ng mag-isa.  Lalo na pagsinabi ko kung sino yung pupuntahan ko kaya ayun nag-ala Naruto ako makapuslit lang.

Habang papalapit ako dun sa bisitang lumabas kanina ay mas lalo akong nakakasigurado kung sino siya kaya agad akong bumanat ng kalokohan sa kanya.

"Ahh! Miss bawal matulog dito," sabi ko habang nagpipigil ng pagtawa, inangat naman niya yung ulo niya at dun na wala ang mga maliliit kong hagik-gik. Nakita ko kasi siyang malungkot.

"Stanley ikaw pala," matamlay na sabi niya sabay ayos ng upo.

"Nakalabas ka na pala ng ospital? Kailan pa?" tanong ko ng may malawak na ngiti sa mukha. Alam kong mukha na akong baliw sa ganitong position pero okay lang malay mo mahawa si Zyrille ng aura ko at bigla na ding ngumiti.

"Kanina lang,"

"Tapos dito kayo dumiretso? Asan kuya mo? Saka bakit wala ka sa loob?"  Hindi ko mapigilang manabik sa babaeng nasa harapan ko ngayon, simula kasi ng mapunta kami dito sa Manila wala pa akong masasabing matinong usapan namin ni Zyrille. Pero satingin ko wrong timing yata ang excitement ko dahil sa sitwasyon niya ngayon.

DARK ROYALTIES 2: THE GHOST OF PAST (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon