CHAPTER 22: LIKE OR NOT

1.4K 60 1
                                    

CHAPTER 22: LIKE OR NOT

Voltaire's POV

Hindi ko na maintindihan ang sarili ko. Napapangiti na lang ako bigla kapag nakikita ko silang nakangiti. Parang gusto ko na silang pasayahin para lagi ko na lang silang nakangiti.

"May gusto ka na sa kanya no?" tanong sa akin ni Ralph habang sinasabayan niya ako maglakas.

"Tigilan mo ko Ralph." inis na sabi ko sa kanya. Kanina pa niya kasi ako kinukulit. Buti na lang busy si Lance kay Shyne kundi dalawa sila ngayon na nang-aasar.

"Sus! Ayaw pang aminin." - Ralph

Gusto ko nga ba siya? Hindi pwede! Baka mapahamak lang sila dahil sa akin. Kailangan ko silang iwasan.

************************

Alexa's POV

"Anong nangyari doon?" tanong ni Kuya King. Bigla kasing inabot sa kanya ni Voltaire si Andrea tapos umalis. Sinundan naman siya ni Ralph.

"Tara na. Doon naman tayo." sabi ko sabay turo sa may mga unggoy.

"Allen! Ano ginagawa mo diyan? Anong nangyari sayo?" tanong ni Keith doon sa isang unggoy na nakatingin sa kanya.

Binatukan siya ni Allen.

"Oh? Allen? Nandyan ka pala? Akala ko ikaw ito? Hahaha." pang aasar ni Keith.

Tinignan ni Allen yung unggoy tapos tingin kay Keith. Tapos sa unggoy ulit.

"Pre, confirm..." hinawakan niya sa balikat si Keith. "Siya ang nawawalang anak mo. Pffft.. Monkey, say hello to daddy! Hahaha." dugtong niya pa.

Nagtuloy tuloy ang pag aasaran nila hanggang sa matapos kami mag ikot.

"Dane, nasaan na si Ria?" - Patrick
"Ewan! Baka kasama ni Josh?" - Dane

"Sila magkasama? Hindi nga nagpapansi--Ria! Saan ka galing?" - Patrick

Lumapit siya kay Ria na unang kita ko pa lang alam ko ng wala siya sa mood. Ano kaya nangyari?

"Bakit ngayon lang kayo bumalik?" tanong naman ni Kuya King kila Voltaire na kasunod lang ni Ria. Tumingin si Ralph kay Ria. Tapos si Voltaire naman umiwas ng tingin sa akin. Nahuli ko kasi siyang nakatingin sa akin.

DARK ROYALTIES 2: THE GHOST OF PAST (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon