CHAPTER 29: REALTALK

1.5K 53 10
                                    

CHAPTER 29: REALTALK

Alexa's POV

"Aray ate! Masakit!" reklamo ni Princess habang kinukurot ko siya sa tagiliran.

"Bagay lang sayo yan! Kung ano ano tinuturo mo sa bata!" sermon ko sa kanya.

"Wala naman masama doon ah? Saka bata pa si Andrea, normal lang na kailangan niya ng buong pamilya habang lumalaki siya. Gusto mo bang asarin siya na walang tatay ng magiging kaklase niya kapag nag aaral na siya?" mahabang sabi niya.

"Siyempre ayoko. Ayokong mabully siya tulad ng mangyari sa akin." - ako

Ang pinakaiiwasan ko sa lahat yung maranasan ni Andrea yung naranasan ko dahil lang sa iba ako. Walang gustong makipagkaibigan sa akin dahil daw mangkukulam ko. Humantong pa nga sa pananakit ung ginawa nila.

"Yun naman pala! Edi habang mas maaga pa. Maghanap ka na ng tatayong daddy ni Andrea." - Princess

"Teka nga lang! Posible bang tuksuhin siya dahil wala siyang daddy?" - ako

"Ano ka ba Ate!  Oo naman. Lalo na anak mo siya sa pagdalaga? Naku! Malaki ung posibilidad na asarin siya." - Princess

"Ganun ba yun?" - ako

"SiguroGanun napapanood ko sa mga drama." - Princess

DARK ROYALTIES 2: THE GHOST OF PAST (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon