CHAPTER 9: MOTHER'S INSTINCT
Alexa's POV
Kanina po ako hindi mapakali. Hindi maganda ang kutob ko. Parang may hindi magandang mangyayari. Hindi ko alam kung dahil ba ito sa nangyari sa akin kagabi. Palakad lakad ako sa kwarto ko. Minsan uupo... tapos tatayo at lalakad uulit.
"Ano ba Alexa? Ano ba nangyayari sayo? Bakit ka ba nagkakaganito?" pakikipag usap ko sa sarili ko.
Dahil sa hindi ako mapakali... aksidente kong nabangga ang isang picture frame na nasa side table sa tabi ng higaan ko. Pinulot ko ito, nang makita ko ung picture na nahulog ko... lalo akong kinabahan.
"Andrea..." kinuha ko ung picture ni Andrea sa sirang frame. "Jusko! Sana mali itong nararamdaman ko." pinatong ko muna sa side table ung picture at saka nagmamadaling linisin ang sirang picture frame.
Kailangan ko puntahan si Andrea.
***************************
Xandra's POV
"Salamat sa pagsama niyo sa amin ha?" sabi ko kila Ralph, Lance, Voltaire at Rex.
"Wala naman kami magagawa eh! Takot lang namin kay Rence." - Lance
Tinignan siya ng masama ni Rence. Sabado ngayon at wala kaming pasok kaya naman nandito kami ngayon sa playground. Nangako kasi ako kay Andrea na pupunta kami dito kapag wala kaming klase.
"Tito Volt! Laro po tayo!" - Andrea
Pilit niyang hinihila si Voltaire. Si Voltaire naman nakapoker face lang.
"Ralph, kayo nga makipaglaro sa batang ito." - Voltaire
Lumapit naman si Ralph kay Andrea.
"Andrea, tara! Tayo na lang ang maglaro. Hayaan mo na yang Tito Sungit--este tito Volt mo." - Ralph
Hinila na niya si Andrea papunta doon sa swing.
"Hoy Lance! Rex! Samahan niyo ko dito." - Ralph
Nakipaglaro silang tatlo kay Andrea. Si Voltaire naman umupo lang sa bench. Nakatingin lang siya kila Andrea.
"Princess..." bulong sa akin ni Kian. Tinignan ko siya. "Date tayo." sabi niya sa akin.
BINABASA MO ANG
DARK ROYALTIES 2: THE GHOST OF PAST (UNDER REVISION)
RomansQueen Alexandria M. Rutherford - isang kilalang psychic. Masayang numumuhay sa Batangas kasama ang kanyang anak at ang kanyang boyfriend na si Kith Michael Scott. Hangang sa namatay si Kith na naging dahilan ng paglipat niya sa Manila. Jerwin Volta...