EPILOGUE
Alexa's POV
"Queen..." tawag sa akin ni Kith, ang taong una kong minahal.
"Kith," tugon ko.
"Congrats! Masaya ako na makita kayo ni Andrea na masaya. Kapag sinaktan ka ni Voltaire, tawagin mo lang ako at mumultuhin ko siya," nakangiting sabi niya. "Nagpapasalamat ako sa mga araw na nakasama kita, kahit hindi man ako ang nakatuluyan mo sa huli. Salamat pa din. Siguro siya talaga ang nakatadhana na makatuluyan mo. Siya naman talaga ang nauna sa akin, nagkataon lang na ako ang nakasama mo at hindi siya. Kahit ganun nagpapasalamat pa rin ako dahil binigyan ako ng pagkakataon ng diyos na mahalin ka at makasama ka hanggang sa kahuli-hulihang buhay ko."
Hindi ko maiwasang maluha.
"Mahal kita Queen at patuloy kita mamahalin hanggang sa kabilang buhay. Sana sa pangalawa natin buhay, ikaw at ako na talaga sa huli. Paalam na Queen," sabi niya sa akin sabay ngiti at saka siya nawala sa paningin ko.
Biglang bumukas ang mukha.
"Ate, bakit ka umiiyak? Nagsisi ka na ba dahil sinagot mo si Voltaire? Pwede ka pa naman umatras kung gusto mo," sabi ni Princess.
"Sira, hindi." sabi ko sabay punas ng luha ko.
"Buti na lang waterproof make up mo kundi tanggal yan," biro niya pa.
"Mag uumpisa na ba?" tanong ko.
"Oo ate. Mamaya susunduin ka ni Dad dito."

BINABASA MO ANG
DARK ROYALTIES 2: THE GHOST OF PAST (UNDER REVISION)
RomanceQueen Alexandria M. Rutherford - isang kilalang psychic. Masayang numumuhay sa Batangas kasama ang kanyang anak at ang kanyang boyfriend na si Kith Michael Scott. Hangang sa namatay si Kith na naging dahilan ng paglipat niya sa Manila. Jerwin Volta...