CHAPTER 60: THE KILLER
Alexa's POV
Nagising ako sa isang nadilim na kwarto. Bumangon agad ako at sinubukang buksan ang pinto pero nakalock ito. Kaya kinatok ko ito.
"PAKAWALAN NIYO KO DITO! TULONG! TULUNGAN NIYO KO!" sigaw ko habang kinakalabog ang pinto.
Napaatras ako nang bumukas ito.
"Henry?" gulat na sabi tanong ko.
"Good Morning My Queen!" nakangiting bati niya sa akin. Lumapit siya sa akin na ikinaatras ko agad.
"Anong kailangan mo? Bakit mo ko dinala dito?" kinakabahang tanong ko.
"Alam mo naman ang gusto ko," lumapit siya sa akin at ako naman si todo atras hanggang sa masagi ko ang kama.
"W-wag kang lalapit sa akin," natatakot na sabi ko.
"Ikaw ang kailangan ko Alexa. Ikaw ang gusto ko. Ikaw lang!" tinulak niya ako pahiga sa kama. Nilagay niya sa gilid ng ulo ko ang kamay niya.
"Lumayo ka sa akin!" itutulak ko na sana siya pero agad niya pinigilan ang kamay ko at itinaas sa kabilaang gilid ng ulo ko.
"Mahal kita Alexa! Mahal na mahal. Kung ako sana ang pinili mo hindi sana tayo hahantong sa ganito," sabi niya.
Tinignan ko lang siya habang pinipigilang huminga.
"Naghanda ako ng makakain," sabi niya nilagyan niya ng handcuffs ang kamay namin. Isa sa kanan ko at ung isa sa kaliwa niya.
Lumabas siya ng kwarto at wala akong nagawa kundi ang sumunod dahil sa handcuffs. Pagkadating namin sa dining room bumungad sa akin ang maraming pagkain.
Pinaupo niya ako at saka siya sumandok ng pagkain namin.
"Kain ka na," sabi niya pero hindi ako kumilos. Tinignan ko lang ang pagkain na sinandok niya para sa akin. "Ay! Oo nga pala may handcuff kanang kamay mo. Susubuan na lang kita," kinuha niya ang plato ko. "Ahh!" sabi niya habang sinusubukan ako subuan. Iniwas ko ang ulo ko.
"Busog ako," sabi ko sa kanya.
Binaksak niya ang kutsara.
"Okay," sabi niya at saka tumayo. Hinila niya ako pabalik sa kwarto. Tinanggal niya ang handcuffs. "Umayos ka habang nagtitimpi ako. Hindi mo alam ang kaya kong gawin." sabi niya bago ako muling ikulong.
BINABASA MO ANG
DARK ROYALTIES 2: THE GHOST OF PAST (UNDER REVISION)
RomanceQueen Alexandria M. Rutherford - isang kilalang psychic. Masayang numumuhay sa Batangas kasama ang kanyang anak at ang kanyang boyfriend na si Kith Michael Scott. Hangang sa namatay si Kith na naging dahilan ng paglipat niya sa Manila. Jerwin Volta...