CHAPTER 44: HEART STEALER
William's POV
"Pang apat na siya na natagpuang patay dito mismo sa RU.", sabi sa akin ni Inspector Ryan habang nakatingin sa bangkay ng isang babae na natagpuang nakabigti sa bakanteng room. Ayon sa mga nakausap namin, hindi ginagamit ang room na un dahil may multo daw nagpaparamdam doon. Wala din daw masyado pumupunta sa floor na yun dahil hindi na ito ginagamit kaya walang nakapansin sa killer.
"Tulong! Tulungan niyo ko! Ako na ang susunod!", sabi ng isang lalaki na nagmamadaling tumakbo palapit sa amin. Hinawakan niya sa kamay si Inspector Ryan.
"Tulungan niyo po ako. Ako na ang susunod na papatayin niya. Ayoko pa po mamatay tulungan niyo ako.", nanginginig na sabi niya. Lumilingon siya paminsan minsan sa paligid.
"Teka! Huminahon ka muna. Ano ba nangyayari? At sino yung sinasabi mong papatay sayo?", tanong ni Inspector Ryan.
Kinuha ng lalaki ang cellphone niya nanginginig na inabot ito kay Inspector Ryan.
"William, panuorin mo ito.", tawag sa akin ni Inspector Ryan. Pinakita niya sa akin ang laman ng cellphone na inabot sa kanya.
Isang video na nagpapakita kung paano pinatay si Cristine. Kita kitang sa video na pinahirapan muna siya nito bago patayin. Pinakita din sa video kung paano kinuha ng killer ang puso ni Cristine. Pinakita ng killer ang hawak nitong puso at saka tumawa. Naging black bigla ang screen at may lumabas na salitang..
'My next victim is you...
Be ready...
I'll kill you.'
"Sumama ka sa akin.", seryosong sabi ko sa lalaki. "Inspector Ryan, ikaw na bahala dito. Kakausapin ko lang ito. Magkita na lang tayo mamaya.", paalam ko. Dinala ko sa presinto ang lalaki para doon kausapin.
"Ano pangalan mo?", tanong ko.
"Erick.", sagot niya.
BINABASA MO ANG
DARK ROYALTIES 2: THE GHOST OF PAST (UNDER REVISION)
RomanceQueen Alexandria M. Rutherford - isang kilalang psychic. Masayang numumuhay sa Batangas kasama ang kanyang anak at ang kanyang boyfriend na si Kith Michael Scott. Hangang sa namatay si Kith na naging dahilan ng paglipat niya sa Manila. Jerwin Volta...