CHAPTER 64: RAVEN

1.1K 36 0
                                    

CHAPTER 64: RAVEN

Third Person's POV

"Ang dami mong sinasabi. Kung papatayin mo siya, patayin mo na siya."

Napalingon si Hazel kay Ria na kasalukuyang nakatayo habang nakasandal sa pader. Bakas sa mukha nito ang pagkainip. Tumingin pa ito saglit  sa pinto nang makarinig siyang ingay dulot ng mapalakas  napagbangga  doon. Senyales na sinusubukang sirain ang pinto para makapasok.

"Hintayin ko pa sana na patayin mo siya bago kita patayin. Pero na ako makakapaghintay na patayin ka," sabi ni Ria. Naglakad ito palapit kay Hazel.

Diretso lang ang lakad niya na para bang wala siyang saksak ni hindi makikita  sa mukha nito ang sakit na dulot ng saksak niya.

"Paano mo pa nagawang makalakad ng ganyan? Patay ka  na dapat," sigaw ni Hazel.

Mabilis na sumugod si Ria at sinakal si Hazel. Sinubukan siyang saksakin ni Hazel kaya wala siyang nagawa kundi ang bitawan si Hazel at iwasan ang kutsilyo.

Hinugot ni Ria ang baril na dala niya at tinutok ito kay Hazel. Walang emosyon na tinignan niya si Hazel.

"Katapusan mo na."

Biglang bumagsak ang pinto.

"RIA, WAG!" sigaw ni Dylan para pigilan siya pero huli na ang lahat. Pinaputukan niya ng sunod sunod si Hazel hanggang sa awatin siya ni Dylan. "Tama na! Ano ginagawa mo?" galit na sabi nito pero tinignan lang siya ni Ria ng walang pahid  na kahit anong emosyon.

**********************

Dylan's POV

"Dadalhin ko na siya sa ospital. Mauna na ako sa inyo. Magpapadala na lang ako ng susundo sa inyo," sabi ni Kuya William sa amin. Binuhat niya si Alexa at nagmadaling lumabas.

Ako, Si Josh at Patrick na lang ang naiwan. Sila Dane nauna ng umalis kasama sila Zyrille gamit  ang sasakyan ko.

"Josh, icheck mo yung kabilang kwarto. Kami na bahala dito," utos ko. Mabilis naman itong kumilos. Hinintay ko muna  siya makapasok bago ko sinubukang buksan ang pinto.

"Tulungan mo ko. Sirain natin ung pinto," sabi ko kay Patrick nang hindi nabuksan ang pinto.

Binangga namin ng paulit ulit yung pinto hanggang sa masira ito.

Nakita namin si Ria na tinutukan ng baril si Hazel.

DARK ROYALTIES 2: THE GHOST OF PAST (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon