CHAPTER 1: SAY YOU'LL NEVER GO

4.6K 82 3
                                    

CHAPTER 1: SAY YOU'LL NEVER GO

Alexa's POV

"Mommy! Daddy! Bili po tayo ice cream." sabi ng anak ko na si Andrea. Hawak hawak niya yung balloon na binili namin sa kanya.

"Sige baby." sabi ni Kith sa kanya binuhat niya si Andrea. "Queen, diyan ka na lang. Bibili lang kami ng ice cream." paalam niya sa akin.

Tumango na lang ako bilang sagot. Umupo ako sa bench dito sa park at pinanood ung mga batang naglalaro. Ngayon lang ulit kami nakapasyal ng magkakasama. Busy kasi nitong nakaraang araw si Kith.

BTW! Para sa mga hindi pa nakakakilala sa akin. I'm Queen Alexandria Rutherford. Alam niyo na siguro kung sino ang mga kapatid ko.

*BANG.BANG.BANG*

Napatayo ako bigla nang makarinig akong putok ng baril. Nagkagulo bigla sa loob ng park.

*dug.dug.dug*

Hinanap ko sila Andrea. Nakita ko si Kith na may kaharap na lalaki.

"KITH!" tawag ko sa kanya. Nilingon niya ako. Bakas sa mata niya ang takot at pag aalala. Natigilan ako sa paglapit nang sumigaw siya.

"WAG KANG LALAPIT! DIYAN KA LANG QUEEN!" sigaw niya sa akin. Niyakap niya ng mahigpit si Andrea at natulala na lang ako sa sunod na nangyari.

Ikinulong niya sa mga bisig niya si Andrea para protektahan kasabay ng pagbaril sa kanya ng hindi ko kilalang lalaki.

*BANG.BANG.BANG*

Parang tumigil ang mundo ko nang bumagsak si Kith.

"KUYA MIKE!! LANG HIYA! SINO KA!" - Ria

Natauhan lang ako ng marinig ko ang sigaw na un. Kasunod ng sunod sunod na putukan. Nakita ko si Ria na hinahabol ung bumaril kay Kith.

"DADDY!! GISING!! DADDY!!!" pilit na tinutulak ni Andrea si Kith. Nasa ibabaw niya kasi si Kith dahil sa padapa ang pagkakabagsak niya.

Lumapit ako sa kanila. Hiniga ko si Kith sa lap ko.

"KITH! GUMISING KA! WAG MO KONG IIWAN! KITH!" - ako

Tinapik ko siya sa mukha. Dumilat naman siya.

"Q..ueen." hirap na sabi niya.

"Wag ka ng magsalita. Dadalhin ka namin sa ospital. Wag kang matutulog ha?" sabi ko sa kanya. Walang tigil ang pagtulo ng luha ko. Umiiyak na rin si Andrea.

"TULONG!! TULUNGAN NIYO AKO! TUMAWAG KAYO NG AMBULANSIYA!!" sigaw ko.

DARK ROYALTIES 2: THE GHOST OF PAST (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon