CHAPTER 43: HENRY

1.2K 47 5
                                    

CHAPTER 43: HENRY

Alexa's POV

"Alam niyo ba na may pakalat kalat daw na killer dito?"

"Nabalitaan ko nga. Sabi kinukuha daw ng killer ang puso ng mga nabibiktima niya."

"Nakakatakot. Hindi kaya istudyante din yung pumapatay?"

Napailing na lang ako nang marinig ko ang mga usapan ng mga nadaanan ko. Wala silang ibang pinag uusapan kundi ung killer. Kalat na sa university ang tungkol doon.

"Miss anong problema?", sabi ng lalaking nadaanan ko. Tumigil ako sa paglalakad at nilingon siya para tignan kung ako ba ang kausap niya.

"Henry?  Anong ginagawa mo dito?", gulat na tanong ko nang makilala ko siya. Lumapit siya sa akin.

"Sinundan ka.", sabi niya sa akin sabay akbay sa akin. Inalis ko agad ang kamay niya sa balikat ko. Napabuntong hininga ako.

"Ilang beses ko ba kailangan sabihin sayo na hindi kita gusto para tumigil ka na?", inis na sabi ko sa kanya.

"Mamahalin kita hanggang sa katamayan.", sagot niya sa akin. Sinandal niya ako sa pader. Nilagay niya ang mga kamay niya sa gilid ng mga ulo ko. "Hindi kita titigilan hanggang hindi kita nakukuha." bulong niya sa akin. "Balita ko patay na ang karibal ko. Sayang!  Hindi man lang niya mararanasang masaktan habang pinapanood niya tayong magkasama.", sabi niya na labis na ikinainis ko.

"Alexa!", mabilis ako napalingon sa tumawag sa akin dahil alam ko kung kanino boses niya. Nakatingin siya ng masama sa amin. "Sino siya?", tanong niya sa akin habang salubong ang kilay.

Tinulak ko agad si Henry para malapitan ko si Voltaire.

"Samahan mo ko sa clinic.", sabi ko kay Voltaire at saka siya hinila pero ayaw niya magpahila.

DARK ROYALTIES 2: THE GHOST OF PAST (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon