CHAPTER 47: REVELATION

1.2K 43 0
                                    

CHAPTER 47: REVELATION

Alexa's POV

Isang buwan na ang nakalipas simula nang magpasukan. Madami na ang nangyari. Kalat na sa buong school ang tungkol sa killer na kumukuha ng puso. Hindi naman maiiwasan na mapag usapan iyon dahil kadalasan ang biktima niya ay dito nag aaral. Pero simula nang dumating sila Kuya William at Kuya Ryan ay lagi na lang sa labas ng school natatagpuan ang bangkay. Iniwasan siguro ng killer na pumatay dito sa loob dahil maraming pulis ang nagkalat.

Sana mahuli na ang killer dahil dumadami ang mga kaluluwa na humihingi ng tulong sa akin.

"Ano ba? Bakit ba kayo sunod na sunod?", galit na sabi ni Lea sa mga kapwa niyang multo.

"Tulungan niyo kami.", sabi ng isa sa kanila.

"Sinabi na nga ni Alexa na maghintay na lang kayo na mahuli ang killer.", sabi ni Lea.

Napabuntong hininga na lang ako.

"Ang lalim ng buntong hininga mo. May problema ba?", napatingin ako sa nagsalita.

"Faith, ano ginagawa mo dito?", gulat na tanong ko sa kanya.

Nakakalungkot man isipin na hindi niya na naalala ang mga pinagsamahan namin noong kaluluwa pa siya ay masaya ako ngayon dahil naging kaibigan ko pa rin siya. Napag alaman ko na pinsan pala siya ni Voltaire at dalawang taon siyang comatose pagtapos niya mahulog sa hagdan.

"Wala akong magawa sa bahay kaya naisipan kong dalawin kayo dito ni Voltaire. Nasaan nga pala siya?", tanong niya.

Nalaman ko din na mas matanda pala siya ng isang taon sa amin.
Hindi lang halata.

"May klase pa siya.", sagot ko.

"Ah! Ikaw? May gagawin ka ba?", tanong niya.

"Wala naman.", tugon ko.

"Ate!", napatingin ako sa tumawag sa akin.

"Bakit?", tanong ko kay Princess.

"Himala! Walang nakabuntot sayo?", sabi niya sa akin.

DARK ROYALTIES 2: THE GHOST OF PAST (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon