CHAPTER 27: ROAD TRIP
Alexa's POV
"Kumpleto na ba tayo?" tanong ni Kuya sa amin.
Ngayon araw na ang umpisa ng bakasyon namin. At tulad ng napagplanuhan pupunta kami sa vacation house nila Zyrene sa Pangasinan.
"Oo kuya." - Princess
"Good. Ilagay niyo na gamit niyo sa van. Bahala na kayo kung saang van kayo sasakay." - Kuya King
Dalawang Van kasi ang gamit namin. Yung isa van namin tapos ung isa kila Zyrene. Napag usapan namin na dito na sa RU magkita para diretso biyahe na.
"Tara Ria, doon tayo sa van namin." pagyaya ko kay Ria. Alam ko kasing mahihirapan lang siyang pumili.
Sumakay na si kuya sa driver seat dahil siya yung driver. Si Prince naman doon sa tabi niya. Hinila ni Rence si Princess papunta doon sa van nila Zyrene.
"Doon tayo sa kabila." sabi ni Rence kay Prince. Iniiwasan niya siguro na makasama si Prince na laging kumokontra sa kanya kapag naglalambing kay Princess.
"Kuya, doon na lang pala ako sa kabila. Ate, dito ka na." sabi ni Prince at saka sumunod kila Rence.
Umupo ako doon sa inuupuan ni Prince kanina.
"Si Andrea?" - Kuya
"Nandoon kay Voltaire. Ayaw bumitaw sa kanya." - ako
Tinignan ko si Ria na sumakay na sa Van. Umupo siya doon sa pinakalikod na upuan. Solo pa lang niya ung upuan dahil wala pa ung iba.
Nagsidatingan na ung iba. Unang pumasok si Keith, sunod si Lucifer. Doon sila umupo sa likod namin.
"Ako muna. Doon ako sa tabi ng bintana." sabi ni Khylle kay Zyrille.
Umupo siya doon sa upuan sa harap ni Ria. Tumabi sa kanya si Zyrielle. Sunod si Allen.
Sunod na dumating sila Ralph, Rex at Voltaire. Umupo si Voltaire sa tabi Lucifer. Tapos ung dalawa sa likod. Sinara na nila ung pinto. Tinignan ko si Andrea na kandong ni Voltaire.
*****************************
Xander's POV
"Ehem." - ako
Dali daling inalis ni Rence yung kama niya na nakaakbay kay Princess. Napaayos naman ng upo si Princess. Nakasandal kasi siya kay Rence nang maabutan ko. Pumasok ako sa looh at umupo sa tabi ni Ellaine.
BINABASA MO ANG
DARK ROYALTIES 2: THE GHOST OF PAST (UNDER REVISION)
RomanceQueen Alexandria M. Rutherford - isang kilalang psychic. Masayang numumuhay sa Batangas kasama ang kanyang anak at ang kanyang boyfriend na si Kith Michael Scott. Hangang sa namatay si Kith na naging dahilan ng paglipat niya sa Manila. Jerwin Volta...