CHAPTER 40: TRANSFEREES
Alexa's POV
Ito ang unang araw ng second semester namin. Tapos na ang sem break. Balik condo na kami ni kuya King. Umalis na kasi sila sa Dad para sa business trip nila. At tulad dati... dito pa rin nakikitira si kuya.
Babantayan niya daw ako dahil baka daw bigla na lang magkaroon ng kapatid si Andrea.
*dingdong.dingdong.dingdong*
"Nandyan na sundo mo." - Kuya
Binuksan ko yung pinto at sumalubong sa akin ang isang gwapong lalaki. Nakangiti siya sa akin habang may hawak na teddy bear.
Simula nung nanligaw siya araw araw siyang may binibigay sa akin. Chocolates, flowers, teddy bear, cup cake, donut at kung ano pa.
"Good Morning! *smile* Para kay Andrea." sabi niya sabay bigay ng teddy bear. Tinaasan ko siya ng kilay. "What? Hindi na ikaw ang binigyan ko ah. Si Andrea na. Wag mong sabihin na magrereklamo ka nanaman na hindi ko kailangan magbigay ng regalo." sabi niya sa akin.
Napabuntong hininga na lang ako. Pinagbawalan ko nga siya na wag na magbigay ng kung ano sa akin dahil gastos lang yun. Sinunod nfa niya ako pero si Andrea naman ang binilihan niya. Ganun pa rin. Gumagastos pa rin siya
"Pasok ka." sabi ko sa kanya. "Tatawagin ko lang saglit si Andrea sa kwarto." iniwan ko muna siya kay Kuya.
"Andrea, tara na. Nandito na tito Voltaire mo." inabot ko yung teddy bear sa kanya. "Bigay ni Tito Voltaire mo. Magthank you ka sa kanya." sabi ko sa kanya.
Ngumiti siya at kinuha ung teddy bear. Nagmadali siyang lumabas ng kwarto. Kinuha ko na ang gamit ko at sumunod sa labas.
***************************
Voltaire's POV
"Tito Volt! Thank you po dito. *smile*" - Andrea
Pinakita niya sa akin yung teddy bear na bigay ko.
^_^
"Kuya alis na kami." - Alex
Hinawakan niya sa kamay si Andrea.
"Sige! Ingat!" - Drei
BINABASA MO ANG
DARK ROYALTIES 2: THE GHOST OF PAST (UNDER REVISION)
RomanceQueen Alexandria M. Rutherford - isang kilalang psychic. Masayang numumuhay sa Batangas kasama ang kanyang anak at ang kanyang boyfriend na si Kith Michael Scott. Hangang sa namatay si Kith na naging dahilan ng paglipat niya sa Manila. Jerwin Volta...