CHAPTER 10: HOSTAGE

1.6K 54 0
                                        

CHAPTER 10: HOSTAGE

Alexa's POV

"Sasama ako." sabi ko kay Prince. Paalis na kasi sila para iligtas ang anak ko.

"Hindi pwede. Masyado delikado doon." - Prince

"Hindi ko kaya na maghintay na lang dito. Habang kayo nandoon... binubuwis ang buhay para lang mailigtas ang anak ko." - ako

"Fine! Dalian niyo na." - Prince

Tatlong sasakyan lang dinala nila. Kaming mga babae ang magkakasama sa isang sasakyan. Si Shyne ung nagdadrive.

"Ate sorry." - Princess

"Wag kang magsorry. Hindi mo naman kasalanan. Kasalanan ko ang lahat ng ito. Kung hindi ko pinabayaan si Andrea... hindi sana mangyayari ito." - ako

Diyos ko! Iligtas niyo ang anak ko. Pangako hindi ko na siya pababayaan ulit. Maging ligtas lang siya.

Tumigil ang sasakyan sa isang tagong lugar.

"Motor ito ni Voltaire." - Rex

"May natatanaw akong bahay doon." - Nathan

"Puntahan natin." - Prince

Nag umpisa na kaming maglakad.

"Girls, sa likod lang namin kayo. Wag kayong lalayo." - Allen

"May tao." - Nathan

Hinila ako ni Prince patago sa likod ng puno.

"Tara na sa loob?" tinignan ko ung nagsalita. Si Dane ba un?

"Teka! Kilala ko sila." - ako

"Wait lang! Kailangan natin magplano kung paano makakapasok sa loob." sabi ni Patrick habang hinihila si Dane sa likod.

DARK ROYALTIES 2: THE GHOST OF PAST (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon