CHAPTER 38: HOLDING HANDS

1.4K 48 2
                                    

CHAPTER 38: HOLDING HANDS

Voltaire's POV

Maaga ako gumising para paghandaan ang unang araw ng panliligaw ko kay Alexa. Pumunta na ako sa banyo para maligo at mag ayos.  Para akong baliw na ngumingiti bigla kapag naalala ko yung nangyari kahapon.

*Flashback*

"Simpleng lagnat lang naman ang meron siya. Ipainom niyo lang sa kanya yung mga gamot na irereseta ko." - Doc

Binigay niya kay Alexa yung papel na sinulatan niya kanina. At sinabi kung ano yung gamot na ipapainom at kung anong oras ito ipapainom.

"Sige po doc. Salamat po." - ako

"Sige. Alis na ako. May pasyente pa ako na naghihintay sa ospitalTawagan niyo lang ako kung may nagkasakit sa inyo." - Doc

"Yes Doc." - Alexa

"Hatid ko na po kayo Doc." - Drei

Paglabas nilang dalawa nakatinginan kami ni Alexa.

"Bakit mo sinabi yun kay Doc?  Nakakahiya!"  sabi niya sa akin.

"Bakit hindiTotoo naman. Balang araw magiging tatay din ako ni Andrea." - ako

Hindi siya umimik. Pumunta lang siya ng cabinet.

"Umuwi ka na." sabi niya sa akin habang busy siya sa pagkalkal ng cabinet nita. Naghahanap yata siya ng isusuot niyang damit.

Nilapitan ko siya at hinila paharap sa akin. Sinarado ko yung cabinet at saka ko siya kinorner doon. Niyuko niya yung ulo niya.

"Galit ka ba sa akin?" - ako

"Hindi. Bakit naman ako magagalit?" sagot niya habang nakayuko.

"Tumingin ka sa akin." - ako

Bakit ba ang hilig ng mga babae makipag usap habang nakayuko

DARK ROYALTIES 2: THE GHOST OF PAST (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon