CHAPTER 48: ZYRILLE'S STORY
Zyrille's POV
"Mauna na kami.", paalam ng mga kasama ko sa swimming club. Tapos na kasi ang practice namin pero wala pa akong balak tumigil. Maraming araw ako hindi nakapractice dahil sa mga sugat na nakuha ko noong sem break.
Tuloy tuloy lang ako sa pagpractice hanggang sa magsawa na ako kaya umahon na ako. May narinig akong nag 'Hi Miss.' sa likod ko. Paglingon ko nakita ko si Dane. Nag usap kami hanggang sa magpaalam ako na magbibihis lang saglit.
Pagkatapos na pagkatapos kong magbanlaw ay nagbihis agad ako, hinihintay kasi ako ni Dane sa pool area at magpapakwento daw sya ng talambuhay ko at storya ng friendship namin ni Aira.
Nakakatuwa naman siya.
Lumabas na ako galing shower room at inayos na rin ang mga gamit ko. Kinuha ko yung bag ko at lumabas na sa locker room na basang-basa pa ang buhok kaya nagpupunas ako ng buhok habang naglalakad papunta sa pwesto ni Dane.
Naalala ko na naman yung sinabi nya kanina bago ako magbanlaw, kaya hindi ko mapigilang matuwa. She looks really interested sa story namin and I find it cute. I think I'm getting to start liking her.
"Hey!", bati ko sa kanya habang nakangiti.
"Sup! Ano ready ka na ba?", tanong niya.
"Yep! So san tayo?", tugon ko.
"Hmm... How about sa canteen? I'm really starving *pout*", sabi niya.
"*chuckle* Ikaw ba naman kasi lumibot ng buong school tingnan ko lang kung hindi ka gutomin.", natatawang sabi ko.
"Yeah! My bad dapat pala nagbaon ako ng makakain habang gumagala.", sabi niya.
"Indeed! You should've realized that earlier.", sabi ko.
"*chuckle* Tara na? Ako na rin magdadala ng bag mo.", kukunin na sana niya ang bag ko pero iniwas ko ito agad.
"No! Dane I got this onti lang naman laman nito.", sabi ko sa kanya.
"I insist Zyrille, kukwentuhan mo ako ng mahaba so technically you're doing me a favor so please let me carry your bag.", pamimilit niya.
Well totoo naman yung sinabi nya ehh pero nakakahiya talaga ito yung unang pag-uusap namin ng matino tapos sya magdadala ng gamit ko.
"But---", wala na hindi na ako naka angal, nakuha na nya bag ko ehh. Ang bilis naman ng kamay nito dati ba tong snatcher?
BINABASA MO ANG
DARK ROYALTIES 2: THE GHOST OF PAST (UNDER REVISION)
RomansQueen Alexandria M. Rutherford - isang kilalang psychic. Masayang numumuhay sa Batangas kasama ang kanyang anak at ang kanyang boyfriend na si Kith Michael Scott. Hangang sa namatay si Kith na naging dahilan ng paglipat niya sa Manila. Jerwin Volta...