CHAPTER 54: HIGH SCHOOL LIFE

1K 38 1
                                    

CHAPTER 54: HIGH SCHOOL LIFE

Ria's POV

"Sigurado ba kayo na ayos lang na pumasok siya sa Rutherford Academy?" tanong ni Vince kay Kuya William

"Wala tayong magagawa. Kailangan may mata din tayo sa Rutherford Academy at siya lang ang pwede dahil pare pareho tayong may ginagawa sa Rutherford University. Pumayag naman ang mama niya na isama siya sa mission," tugon ni kuya William.

"Hindi ba makakasama sa kanya yun? Saka makakayanan kaya niya yun?" tanong ni Patrick.

"Bakit ba kayo kumokontra? Wala ba kayong tiwala sa akin?" singit ko sa usapan nila. Tinignan ko sila ng masama.

"Hindi naman sa ganun. Ano kasi... Hay naku! Bahala na nga." sabi ni Dane.

"Wag mong kakalimutan ung paalala ko sayo. Kung may mapansin ka na kahinahinala, sabihin mo agad sa akin. Tawagan mo ko kung may problema. At higit sa lahat, papasok ka bilang si Elliyah Perez. Wag mong tatangalin yang face mask mo para hindi ka nila makilala. Tandaan mo wala dapat makakita ng totoong mukha mo," paalala sa akin ni Kuya William.

"Yes Sir," sumaludo ako sa kanya. Tinignan ko yung ayos ko sa salamin. Nakasuot ako ng uniform ng highschool. At naglagay ako ng pekeng mukha na tinatawag naming face mask. Nagsuot din ako ng salamin na gagamitin ko sa pag oserba. Gamit kasi un automatic na magrerecord ang mga nakikita ko.

"Tara na! Baka malate ka sa unang klase mo." sabi sa akin ni kuya William. Siya kasi maghahatid sa akin sa Rutherford Academy.

DARK ROYALTIES 2: THE GHOST OF PAST (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon