CHAPTER 12: GHOST ROOM
Alexa's POV
This is it! Ito na ang unang araw ko sa RU. Huminga ako ng malalim bago naglakad papasok ng RU. Hawak hawak ko si Andrea. Nagtaxi lang kami papunta dito. Hindi ko pa kasi nakukuha ung sasakyan ko. Si Ria dapat kasabay ko kaso... nagpapagaling pa siya sa Star agency. Kinuha silang apat ng mama ni Ria kahapon. Doon na daw sila magpapagaling kasi mas safe sila doon.
Wala tuloy akong kasama ngayon. ╮(╯_╰)╭
Napapatingin sa akin ung mga nadadaanan ko.. tapos magbubulungan.
"Bakit ganyan suot niya? Ang baduy!"
"Wala siyang taste sa damit. Ang pangit!"
"Ang creepy niya tignan."
"May bago nanamang weirdo."
Ayan ang dahilan kung bakit ayaw ko mag aral dito. Karamihan ng nag aaral dito maarte. Palibhasa anak mayaman. -___-
Tinignan ko ung suot ko. Nakalong sleeve ako na damit. Kulay black ito. Tapos tinernuhan ko nga mahabang palda black. Ung palda halos matakpan na ung paa ko.
Wala naman akong nakikitang mali sa suot ko? Ano ba problema nila?
"Bakit kasama niya ung bata na laging kasama nila Xander?"
"Oo nga no? Baka kinidnap niya?!"
"Sira! Kinidnap ka diyan? Buti pa kung palabas sila ng RU."
"Baka anak niya?"
"Ang bata naman niya masyado para maging nanay."
"Alam ko na! Baka yaya ng bata."
"Oo nga no? Kaya siguro hindi siya nakauniform."
Hindi ko na lang sila pinansin. Kailangan ko pa hanapin si Kuya King. Nagpunta ako sa Dean's office ng department namin. Bawat department kasi... may mga dean. Nakita ko si Kuya King na naghihintay sa harap ng Dean's office.
"Tara sa loob." - Kuya King
Tumango naman ako. Binuhat niya si Andrea at saka pumasok sa loob. Sumunod naman ako sa kanya.
BINABASA MO ANG
DARK ROYALTIES 2: THE GHOST OF PAST (UNDER REVISION)
Storie d'amoreQueen Alexandria M. Rutherford - isang kilalang psychic. Masayang numumuhay sa Batangas kasama ang kanyang anak at ang kanyang boyfriend na si Kith Michael Scott. Hangang sa namatay si Kith na naging dahilan ng paglipat niya sa Manila. Jerwin Volta...