Hindi ko namalayang huminto ang sasakyan. Umiiyak na din pala ako.
" ano bang nangyari Cici.!" tanong ulit sakin ni JC. Halata sa boses nya ang pagtataka.
"Hindi ko alam." sa wakas, nakasagot din ako.
"ano ba pinagsasabi mo? kinakabahan nako sayo? ano bang sabi ni Jin? . MAGSALITA KA NGA!!!" galit niyang sabi.
Di ko na din napigilan ang sarili ko. Napasigaw din ako.
"HINDI KO ALAM JC!! NARINIG KO PA SI JIN NA NAGSASABING "BYE" TAS MAY NARINIG AKONG PARANG MAY NABASAG SA KABILANG LINYA!! HINDI KO NA DIN SIYA MACONTACT!!!"hingal kong sabi sabay labas ng sasakyan.
Huminga ako ng malalim. Ng biglang nag ring ang cellphone ko.
Jin❤ calling........
Agad ko itong sinagot.
"Jin!!! ano bang nangyari sa--------."
(mam? si love po ba ito?") tanong sa kabilang linya.
"ahh opo ako nga po, ba't nasa inyo po ang cellphone ng boyfried ko?"
(mam, wag po sana kayong mabibigla, nandito po ngayon sa hospital ang boyfriend nyo. Naaksidente sya kanina lang habang tumatawid sa kalsada.)
".................."
(mam?)
" sa--- ang ho-ospital?"
(nandito po sa ***toot**** hospital mam)
Nagmadali akong pumasok ng sasakyan. Kailangan kong puntahan si Jin.
Sa kakaisip ko sa nangyari, hindi ko namalayang nakarating na kami ng hospital.
Agad akong bumaba at tumakbo papuntang ER. Nagtanong ako kung nasan si Jin.
"Nasa loob po ng room." sagot nung nurse.
Tumakbo ako papunta sa loob. Napatigil ako sa pagtakbo ng makita ko ang isang lalaking duguan na nakahiga sa kama. Punong puno ng dugo ang mukha niya, pati na rin ang damit niya.
Unti-unti akong lumapit sa kinaroroon ng lalaki. Saka ko lang sya nakilala ng punasan ng isang nurse yung mukha niya.
"Jin" yun lang ang nasabi ko. Agad namang nagsitulo ang mga luha ko sa mata.
"O my God Jin!!". sabi ko sabay lapit sa kanya.
"Jin! love! gumising ka!." iyak kong sabi.
NIyuyug-yug ko sya saka niyakap.
"Love, gumising ka! Anniversary natin ngayon, alam mo ba yon,? " sabi ko sa kanya sabay hagulgol.
Naramdaman kong gumalaw ang kamay nya dahilan ng pagtingin ko sa mukha niya. Dumilat sya at ngumiti.
"Ha-pp--y An--niver--sary Love." sabi nya. "I Lo--ve...... You." saka sya nawalan ng malay.
"tulong!!!!!! doc!!!!!! " sigaw ko.
Agad naman nagsitakbuhan ang doktor at mga nurse. Hinigit na rin ako ni JC palabas.
May nakita pakong ginawa ng Doktor sa kanya sa ka tuluyang sumara ang pinto.
Iyak pa rin ako ng iyak sa hallway.
Tinawagan na rin ni JC ang mga magulang ni Jin. Di nagtagal dumating din sila. Nakita ko ang mommy ni Jin na naglalakad palapit sakin.
"Iha, tahan na. Hindi tayo iiwan ni Jin." sabi ni Tita, halatang pigil nya sa pag.iyak.
Nakatunganga lang ako hanggang sa marinig ko ang sigaw ng barkada ko.
"Cici!!!!!!!"
Napalingon ako sa kanila, kaya napaiyak na naman ako. Hindi ko mapigilang hindi umiyak.
"ok ka lang ba friend?" tanong sakin ni Mar sabay yakap sakin.
Niyakap ko na rin sya pabalik. Saka ako sumagot.
"hindi ako ok,!! huhuhuhu. Hindi ko kayang makita sya ng ganyan." ang kaninang iyak lang ay napalitan ng hagulhol.
Binigyan ako ni Leen ng tubig.Napatahan din nila ko. Daldal lang sila ng daldal hanggang sa wala ng nagsalita.
Katahimikan.
Yun ang Bumalot samin sa hallway habang hinihintay ang doktor na lumabas.
Ilang oras rin kaming naghintay sa labas. Nakatulog na nga ang mga kaibigan ko. Ang magulang naman ni Jin ay umiidlip rin. Habang si JC nakaabang sa paglabas ng Doktor.
Bumukas ang pinto dahilan ng pagtayo ko. Napansin din siguro nila na lumabas na ang doktor kaya nagsitayuan na rin ang lahat.
"Sinu ang magulang ng pasyente?" tanong ng doktor.
"kami po." sagot nila tita at tito sabay lapit sa doktor.
"Successful po ang ginawa naming operasyon sa anak nyo."
Pagkadinig namin sa balita, napahinga kami. Para kaming nabunutan ng tinik sa didib.
"salamat po dok." sabi ni tito.
"Itatransfer na namin sya sa room nya bukas." sabi ng doktor saka umalis.
Lumapit sakin si tita.
"Iha,magpahinga ka muna. Kami na ang bahala kay Jin." sabi niya sabay agree ng mga kaibigan ko.
"oo nga friend. umuwi ka na muna para pagnagising si fafa Jin maganda ka pa rin." biro ni Mai Ccah.
Wala na rin akong nagawa kaya umuwi na ako.
Pagdating ko sa bahay , agad akong pumasok sa kwarto at humiga.
Kinuha ko yong picture frame sa side table ng kama ko saka tinitigan ito.
Picture namin ni Jin.Di ko napigilang umiyak.
Binalik ko na ang frame saka nag.ayos para matulog. Nasabi ko na lang sa sarili ko.
"matulog ka na Cici, naghihintay si Jin sayo "
saka ako natulog.
BINABASA MO ANG
We Fell in Love Twice
Teen FictionAno nga ba ang nakalimot? Ang utak na syang nag-iisip? O ang pusong nagmamahal? May maalala pa kaya ang dalawang taong nagmamahalan? O habambuhay na itong malimutan?