Hindi talaga ako pwedeng magkamali. Siya nga yun. Yung lalaki sa amusement park.
"Ako?" tanong niya.
"Malamang! sino pa ba ang kaharap ko?!"
"Malay ko bang ako. tsk." sarkastiko niyang sabi. "Ah tama, may atraso ka pa nga pala sakin."
"Ako? may atraso sayo? Wow. ako na nga tong natapilok. Ang kapal!!!"
"eh sino bang nagsabing tumakbo ka? ha?"
"bakit naman ako di tatakbo, eh papatayin mo ko? !"
"OO. sinabi ko nga yon, pero di ko naman sinabing lumangoy ka sa lupa."
"arghhhh!!!! " napasigaw nalang ako. Walang kwenta na rin kung makikipagtalo pa ko sa kanya.
"ewan ko sayo, makaalis na nga." ani ko sabay alis. Paika-ika ako ngayon . Kasi naman, ang sakit ng paa ko.tsk. Nakakailang hakbang palang ako ng bigla niyang kong binuhat.
"WAAAAAHHHHH!!!! anong ginagawa mo ha?"
"hindi ba obvious? binubuhat ka, stupid!"
"paksheeettt!!!. alam ko!! ang ibig kong sabihin, bakit mo ko binubuhat!!! ibaba mo nga ko!!!"
"Instead of yelling, why don't you shut your mouth and be quiet!! i'm doing you a favor you know."
Teka? Favor??? He's doing me a favor.??? Aba!! may topak na talaga tong lalaki na to.
"pssshh. Favor? bakit? humingi ba ako sayo nun? ha?! Ibaba mo na ko!!! ano ba!!! pag di mo ko binaba, papaluin kita ng papaluin!!!" sigaw ko sa kanya. Bigla naman siyang tumigil sa paglalakad, kaso hindi pa rin niya ko binababa.
"Say another word, I swear, I'm going to kiss you." sabi niya.
Gulp. Naaalala ko na naman yung nangyari samin sa park. Aishhh... No choice. I'm gonna keep my mouth shut, kahit na gusto kong mahilakan niya. hahahaha.
"Anong nginingiti mo diyan? siguro,iniisip mo yung nangyari sa park no?" pang-aasar niya sakin.
O_O
"A..ahh. .ba- bakit? may na--nangyari ba sa park? ha?"
Teka? ba't ba ko nauutal. aish dila umayos ka.
"tsk tsk tsk. Tama nga ako, binabalik tanaw mo yung nangyari dati sa park."
Di nako kumibo. Baka isipin niyang kinikilig ako sa nangyari.
Hindi nagtagal, nakarating din kami sa isang mala palasyong bahay. Teka? parang sa village namin to ah? ba't di ko napansin na may ganito pala kalaking bahay dito.
"Good Morning sir James." bati nung guard ng bahay.
Wow. Bigtime pala ang loko.
Pinagbuksan kami nung katulong nila at bumungad sakin ang napakagandang chandelier. Sa ganda nito, mapapakanta ka talaga ng chandelier. hahahaha.
"just sit here, wag kang aalis." utos niya.
hmmmmm. Hindi din naman ako makakaalis kasi nga masakit yung paa ko.
after 1234567 years. Bumalik na rin siya at may kasamang babae. Sa pagkakaalam ko mag kasing edad kami nung babae. Infairness, bongga ang outfit parang nurse lang.
"Jaye Ssan, can you treat her? nagbalak kasing magswiming sa lupa kaya yan, natapilok."
Owhhh. Jaye Ssan pala name ng kasama niya.
"Hello" nakangiti niyang bati.
"Hi! ahm nurse ka ba?" tanong ko.
"ah----. " di niya natapos ang sasabihin niya kasi may sumingit.
"tsk! hindi lang pala paa ang masakit sa kanya, pati pala mata." sarkastiko niyang saad.
"Anong sabi mo?! bawal na ba magtanong ngayon?? ha?? at ba't ka ba sumingit sa usapan namin? ikaw ba tinatanong ko? Hindi naman di ba? kaya, tsupe!! alis na! bwiset!!"
Naku!!! kung hindi lang masakit ang paa ko baka napatay ko na tong lalaking to.
"Bakit mo ko pinapaalis? sayo ba tong bahay na to ha? Ha?!"
Ay oo nga pala, nakalimutan ko, bahay niya nga pala to. tsk!!!! napahiya tuloy ako.
"hahahahhaa, ang cute niyo. !! grabe, ganyan na ba ang magjowa ngayon? nagbabangayan? ahhahaa."
Taena!! muntik ko ng nakalimutan na nandito pala si Jaye Ssan. At anong sabi niya? kami mag jowa? ewwww!!.
"Magjowa? kami? seriously Jaye Ssan? hindi ako pumapatol sa tanga. Magbibihis muna ko. Ikaw nang bahala sa babaeng yan."
"Ang Kapal!!!! sana madapa ka!!"
Hindi na siya umimik, bagkos nagpatuloy na syang umakyat.
Samantala, nilapitan nako ni Jaye Ssan.
"Hmmmmm. Hindi naman ganun kalala ang nangyari sa paa mo. Ibebenda ko lang sya." sabi niya.
"talaga? mabuti naman. Ayy nga pala sorry, nagtanong pa ko kung nurse ka, eh halata naman sa suot mo.hehe"
"ok lang, Actually, hindi ako nurse, RMT ako."
"RMT? parang MRT at LRT lang? di ba tren yung mga yun?"
"hahahhaa. your so funny. Kaya nga siguro gusto ka ni James"
Tama ba ang narinig ko? gusto ako ng aroganteng yun?
"naku!!! nagkakamali ka ata, hindi ako gusto nun. Kinamumuhian ako nun."
"hindi kasi yun ang nakikita ko. Well, anyways, ayan ok na. At ang ibig sabihin nga pala ng RMT, ay Registered Medical technologist. "
"WOW ! DAEBAK! ang cool naman nun.hahaha. Technologist ka pala. Naku pag may sira ang computer ko o gusto kong magpaupgrade pwede bang ikaw nalang umayos?"
waaaaahhhhh. ang saya naman. May kaibigan akong technologist.wahahaha . Masira nga ang computer ko.huehuehuehue
AN: wooooh!!! ohh ayan!! Sinali na kita. haha . alam mo na kung sino ka.hehehe .
kaway kaway sa lahat ng readers ko!👋👋👋
BINABASA MO ANG
We Fell in Love Twice
Teen FictionAno nga ba ang nakalimot? Ang utak na syang nag-iisip? O ang pusong nagmamahal? May maalala pa kaya ang dalawang taong nagmamahalan? O habambuhay na itong malimutan?