"Why can't you hold me in the street?
Why can't I kiss you on the dancefloor?
I wish that we could be like that, Why can't we be like that,
Cause, I'm yours......."Kanta ko habang naglalakad sa hallway ng skwelahan.
Hayyy... kelan kaya babalik ang ala-ala nya? Babalik pa nga ba? Para kasing ayaw na nya kong maalala. Hayyyy.....
Tiningnan ko ang relo ko. Ang aga ko palang pumasok. Ako pa kasi ang nasa loob ng classroom.
Nakatunganga lang ako sa bintana. Nag-iisip na rin ng mga gagawin at nakalimutang gawin.
Hanggang sa naramdaman kong may tumabi sakin.→_→ ----------------- (^O^)
"anong ginagawa mo dito?" tanong ka sa natabi. "binabantayan ka." nakangisi nyang sabi.
"Ano akala mo sakin baby?" irita kong tanong. "Oo, baby ko. hahah" pang-iinis nya sakin. Kaya ayun, binatukan at hinampas ko lang naman.
"aray!!! kung makahampas ka dyan parang di nasasaktan ang tao." reklamo nya.
"at bakit? tao ka ba? akala ko kasi unggoy ka.hahahhha"
Hahahhaha kita mo to, pagkatapos kung sabihing unggoy sya, nag -unggoy unggoyan ang mokong.Tawa pa rin ako ng tawa. Napahawak na nga ako sa tiyan. Natigil lang ako ng mapansin ko syang nakatitig sakin.
"bakit -_^?"
"Ngayon lang kita nakitang nakatawa ng ganyan." ani niya.
"ahhh ehhh ano naman ngayon?" sheeeeettttt ba't ba ko kinabahan.
Unti-unti niyang inilapit ang mukha nya sa mukha ko. Sheeeeetttttt what is he doing? Kinakabahan na talaga ako.
"HAHAHAHAHAAAAHAHAAH. YOU SHOULD'VE SEEN YOUR FACE."
>o<
"CHE!!!!!!!!" sigaw ko sa kanya. Taena!!! kinabahan ako dun ah.
Tawa pa din sya ng tawa. Nakakabanas!!!
"ano? tatawa ka nalang ba dyan?" ayun, natigil din sya.
"ha-----ha, phheeeewwww! wait..................
Your so damn cute by the way." sabi nya sabay alis ng room.
Naiwan naman akong nakaNGANGA.
Ano nakain nun?
Natapos rin ang clase at awasan na sa wakas.
"Woooohhh!!! balita ko may bagong cafe bar malapit sa school. Punta tayo.!" pag-aaya ni Mar.
"Maganda ba ang bar? ba ka puro coffee lang ang siniserve nila." ---Belle.
" Hindi no, balita ko it's a party house." ---- Mai.
"So , ano? game? punta na tayo?" ----- Roch.
"sige!! lego!! para na rin makahanap ng fafa."---- sila.
"uyyy Cici, sama ka." pang-iimbita ni Leen.
"Next time nalang girls. Kailangan ko pa kasing puntahan si Jin.
Lumabas na kami ng school and we parted ways.
Nakasakay na rin ako agad ng taxi.
Pagdating ko sa bahay nila Jin. Nakarinig ako ng sigawan.
Dali-dali akong pumasok.
San ba nanggaling yung sigawan? wala namang tao dito sa sala?
Napunta ako ng kusina ng may narinig akong nabasag galing sa taas.
Patakbo akong umakyat taas at pumunta sa kwarto ni Jin. Naabutan ko ang mama nyang katok ng katok sa pinto.
"Jin! buksan mo ang pinto!!" sigaw ng mama niya.
"ano po ba ang nangyari tita?"
"kanina pa sya nasa loob. May binabasag sya. Hindi namin malaman kung ano kasi naka lock ang pinto nya."
"what about the spare key tita?"
"kinuha din nya."
"ako na ho dito tita, bumaba na ho kayo."
"sigurado ka ba iha? "
Tumango lang ako sa kanya. Katok pa rin ako ng katok pero di pa rin nya binubuksan ang pinto.
"Ano ba Jin!! buksan mo ang pinto!"
"UMALIS KA!"
"HINDI AKO AALIS HANGGA'T DI MO TO BINUBUKSAN!"
"PAGBINUKSAN KO BA TO, AALIS KA NA'T DI NA BABALIK?"
Ang sakit marinig yun galing sa kanya. Unti-unting sumisikip ang dibdib ko. Naramdaman kong paluha na ang mata ko kaya pinunasan ko to.
"Yun ba gusto mo?" mahina kong tanong.
I've been coming here for 6 months already. At sa 6 months na yon, tiniis ko lahat ng pinag-gagawa nya sakin. Kinaya ko lahat kahit na nilalait at minumura na nya ko. Paulit-ulit ko na rin narinig ang salitang "Tanga" galing sa kanya.
Oo, tanga ako kasi mahal na mahal ko sya. Pero ang sakit sakit na.
"OO, YUN ANG GUSTO KO. ANG MAWALA KA SA BUHAY KO." sigaw nya.
Napasinghap ako at sumagot. "ok, aalis ako sa ngayon, pero di mo ko mapipigilang pumunta pa rin dito araw-araw."
Pagkasabi ko nun, binuksan nya ang pinto at kinuha yung tray na dala ko. At bago nya tuluyang sinara ang pinto nagsalita sya. "SUITE YOURSELF, TINGNAN LANG NATIN KUNG SAAN ANG KAYA MO. oh and by the way, pano ba kita naging girlfriend? hindi ka naman kagandahan. Hindi ka din kasexyhan. Ano ba ginawa mo't nagkarelasyon tayo?" sabi nya habang tinitignan ako mula ulo hanggang paa. "siguro, isa ka dun sa mga babaeng may gusto sakin no? binigay mo ba sakin ang katawan mo? ano? gawin kaya natin para malaman ko kung tama ba ang pagkapili ko sayo." dagdag nya.
Pak!!!!!!
Nasampal ko sya. "I'm so---rry." Napangisi lang sya at tuluyan ng sinara ang pinto.
Agad akong umuwi. Iyak pa din ako ng iyak. Hindi naman sya ganyan dati ah. Ba't nag-iba sya. Epekto ba yon ng Amnesia?
Sa kaiiyak ko, di ko napansing may sasakyan na parating. Ang bilis ng sasakyan.
Napapikit nalang ako, hanggang sa naramdaman kong may humila sakin.
"Magpapakamatay ka ba?!"
Tumingala ako at nakilala ang taong humila sakin.
"Mike."
BINABASA MO ANG
We Fell in Love Twice
Genç KurguAno nga ba ang nakalimot? Ang utak na syang nag-iisip? O ang pusong nagmamahal? May maalala pa kaya ang dalawang taong nagmamahalan? O habambuhay na itong malimutan?