Chapter 29

3 0 0
                                    

Mar's POV

Alam naming nagtataka si Cici sa reaksyon namin kanina. Kaya pala nawalan siya ng malay. May naalala siguro siya nung pinakinggan nya yung kanta.

Kasalukuyan akong naghahalungkat sa laptop ko. Ganun din yung apat. Meron kaming planong magtayo ng business. Kaya, walang imikan. Si Cici? ayun, panay lipat ng channel.

"Anong ginagawa niyo?" tanong niya.

"Wala to." sagot ko. Plano kasi naming isurprise siya tungkol dito.

"Ahh... ok. hindi pala ako ganun ka importante sa inyo. :'(" malungkot niyang saad. Tsk umaatake na naman tong pagkaisip bata niya.

"Wala na yang epekto Christiana," ani ni Leen.

"AYYYY!!! ganun? kasi naman nakatutok lang kayo diyan sa laptop niyo. Nakakatampo kaya."

Hindi na namin siya pinansin, baka madulas kami pag ganun.

Leen's POV

Busy akong nagtatype ng biglang nagvibrate ang phone ko.

From 0019*******

Hello, Kamusta ka na? Uuwi nga pala ako ng Philrea sa susunod na buwan. I can't wait to see you Kaye.

Marcus.

O_O




Mai's POV

Ano kaya ang nabasa ni Leen? Simula pa kanina, nakatunganga lang siya. LUTANG kumbaga. Matanong nga.

"huy!!!"

"Ayyy MARCUS!!!"

Holooooooo.. Sinu si Marcus?

"uy uy uy. Sino si Marcus?"

"Marcus?? wala akong kilalang Ma---r---cus."

"Ayyysows !! may palusot pang nalalaman. Nauutal ka ngA eh." sabi ko.

"wala nga."

Hindi ko na sya pinilit.
Halata naman kasi na ayaw niyang ikwento. Sino kaya si Marcus sa buhay niya? wala kasi siyang nakwekwento tungkol dun.

HOLOOOOO!!! Ayy taena!! Hihintayin ko na lang kung kelan niya isheshare si Marcus.hahaha









Leen's POV

Hayyy. Alam kong nahahalata na ko. Hindi lang nila ko tinatanong, pwera nalang sa isa. hmmmp.

Ano bang pake ko kung uuwi siya?

It's not a big deal. tsk.

Sino si Marcus?

Aba malay ko.

Do I sound bitter?


Masisisi niyo ba ko?

It's not that we're in some kind of a relationship thingy churva ekla nayan. BITTER lang ako sa kanya.

Aba! sino bang hindi magagalit, basta-basta ka nalang iiwan sa ere. Ni tawag o text wala. Tas bigla bigla nalang magpaparamdam. Ano sya? hilo?

Ba't nga ba ganito reaction ko? KAIBIGAN ko lang naman siya DATI.

Dati, kasi umasa akong pareho kami ng nararamdaman. ASSUMERA kasi, kaya yan napapala. tsk. UMAASA kahit hindi naman nagpapaasa.


Aishh!! bakit ko ba to kinukwento. Di ko nga to shinare sa mga kaibigan ko.







Cici's POV





ANG TAHIMIK!!!





Kasi naman, sobrang busy nung lima. Lahat sila nakaharap sa kani-kanilang laptop. Samantalang ako, heto nakatunganga. Panay kain ng prutas. Pinatay ko na kasi ang tv. Ang boring ng shows.




Gulong sa kanan


Gulong sa kaliwa


Gulong sa kanan




Gulong sa kali----



bogshhhhhhhhhh!!


"Aray!!" putek. Ansakit ng pwet ko.

"CICI!!! anong nangyari? ba't ka nandyan? nahulog ka ba?" tanong ni Belle.

"Ayy, hindi, Hindi ako nahulog oh. Kita mo nasa sahig ako." sarkastiko kong sagot.

"sino ba kasing hindi mahuhulog kung panay gulong ka diyan sa higaan mo."

"ehhh... kasi naman na bobored ako. Hindi maganda ang palabas. Tas lahat kayo busy."

"ayy ganun ba? sorry. May importante kasi kaming ginagawa."

Ok na, gets ko na. For there future, Iintindihin ko sila. Hindi nako sumagot. Inalalayan nilang kong tumayo.

"Teka, pwede niyo ba kong dalhin don sa may metal holder, magpapraktis ako." sabi ko. Tumango lang sila.

"balanse ka na ba? we'll let go na."

Tumango ako at sinimulan ang paglakad.

1







2









3








4










5








6


Hanggang anim na hakbang lang ang kinaya ko. Napagod kasi ako agad. Di bale, araw araw akong magpapraktis. And in no time, makakalad na din ako. Wohoooooo!!!!

We Fell in Love TwiceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon