Chapter 33

9 1 0
                                    

Leen's POV

Kanina pa kami hanap ng hanap kay Carmel.  Halos nalibot na nga namin tong park.

Nasan ka na ba Carmel? Sa totoo lang, kinakabahan kami ngayon. Bakit? kasi nakita namin si Jin.

Ayaw naming magkita muna ang dalawa. Baka kasi may maalala bigla si Carmel, maging dahilan pa ng pagsakit ng ulo niya.

"Girls!!!!!!!"

Nakingiti siyang tumakbo papunta sa gawi namin.

"kanina pa ba kayo?" tanong niya.

"ayy hindi, kakarating lang namin, Hinanap ka nga namin dito sa buong park." pamimilosopo ni Roch.

"San ka ba galing? di ba sabi namin hintayin mo kami?" tanong ko.

"ehhhh.. nabobored kasi ako, kaya ayun, namasyal ako."

"ikaw lang mag-isa?"

"ahhhh..." Oh no!! baka nagkita sina Jin.

"Ohh. ba't di ka makasagot?"

"chill!!!... grabe makausisa te?"

>.<

"ok ok.. hindi ako mag-isa..........may nakasama ako." nahihiya niyang sabi.

"sino?"

"nakalimutan ko itanong ang pangalan eh. hehehe."

"WHAT????" Sabay naming sigaw.

"hindi mo kilala?" tanong ni Belle.

"kakasabi ko nga di ba? di ko natanong yung pangalan ni kuya."

"LALAKI????"

"YAAHHH!!! pwedeng di sumigaw? ang sakit sa tenga. At saka ang OA niyo ha? porket lalaki lang yung nakasama, naghehesterical na kayo diyan."

"hoyyy. babae, hindi basta basta lalaki lang yun, pano kung pagsamantalahan ka nun ha?" sabi ko. Bigla naman siyang namula. May mali talaga sa babaeng to.

"hoy!" ba't nangangamatis ka diyan?" hindi lang pala ako nakapansin ng pamumula niya, pati pala si Mar.

"OO nga." pagsangayun nung iba.

"a.....ahh.. wala. ang i-init kaya.....wooohhhhhhhhhh. I need water." tanggi niya sabay lakad.
Hayyyyyy nako.

Carmel's POv

After nung nangyari sa amusement park, back to normal na naman ang peg ko.

Gigising, maligo, kumain, at matulog. Oh di ba? ang BOOORRRIINNNGGG!!!.

Nandito na pala ako sa bahay namin. Nakakahiya na ding magstay dun kena Mike. Ayaw man niya, wala din siyang nagawa kundi pumayag.

"Carmel!!! alis na kami!! byeeee!!" sigaw nila Roch.

Oo, tama kayo. Kasama ko sila dito sa bahay. Nasa kwarto pa kasi ako, kaya ayun , nasigaw lang sila.

"hmmmm. ano kayang pwedeng gawin ngayon?" bulong ko sa sarili.

"AHA!!!!" wahahaha. Dali-dali akong nagbihis at lumabas ng bahay.

Tinext ko lang sina Leen na mamamasyal ako saglit. Alam niyo naman, daig pa ang mama ko sa pagiging OA nila. hahaha.

Kasalukuyan akong naglalakad ngayon. Wala lang, gusto ko lang maglakad. Hindi din naman kasi ako papayagan ng mga kaibigan kong gamitin yung kotse.

Lakad


Lakad


Lakad


Lakad


La-------

"aray!!!!!" ang sakeeet ng pwet ko. Sino ba tong bumangga sakin? daig pa si Incredible Hulk sa kalakasan.

"Miss, alam mo. Next time, wag kang tatanga tanga, para di ka makabunggo ng tao." sabi nung lalaki. Halata sa boses ang pagkairita niya.

Teka? tama ba ang narinig ko? Ako ang nakabangga?? sa pagkakaalam ko, ako yung binangga. arrgggghhj!!!

"Eh! tarantado ka pala eh. Ako na nga tong nabangga, ako pa tong tinatawag mong tanga?! WOW!!! " utal ko sabay tayo.

"Kung ako tarantado, ano ka?. ahhh. Bobo. haha. Bobo ka nga pala, sa susunod wag kang haharang harang sa dinadaanan ko." saad niya sabay alis.

Ako? BOBO!! ARGGGHHHH!!! nakakairita!!!

May pinulot akong kung ano sa tabi tas binato siya.

1



2



3

Pok!!!

Wooohhhh!! SAPOL. hahahaha.

Napatigil siya sa paglalakad at lumingon sakin.

"Oh! girl!! you messed up with the wrong guy."

Sheeeeetttttttt. Ba't nag-iba ang itsura niya. Kyaaahhhhh!!! he's walking towards me. aishhh. Inhale.... exhale.... kaya mo yan Carmel. Act cool.

"Talaga? OMG. Nakakatakot. " sarkastiko kong sabi. Sa totoo lang, kinakabahan na talaga ako. Aiiisshhh. Gusto kong tumakbo,pero di ko magawa. Wwooohhhh!! carmel.... maghanda ka na sa pwedeng mangyari.

Hindi ko alam kung san ako nakakuha ng lakas ng loob para tumakbo.

"I'm going to kill you b**ch!" sigaw nung lalaki. Hinahabol na niya ko ngayon.

Takbo

takbo


"argghhh!!!" hay, pagminamalas ka nga naman, ngayon pako natapilok. Tatayo na sana ako, ng naramdaman kong may muhigit sakin.




Gulp.



"Tsk. Hindi ka lang Tanga, Bobo ka pa." pang-iinis niya.

"Get off me!!!!"

"No."

"Waaaahhhhh!!! wag mo kong patayin!! Namatay nako 2 years ago.Second life ko na to. Please lang wag muna ngayon.huhuhuhu." sa takot ko sa gagawin niya sakin, napaiyak nalang ako.

Naramdaman ko nalang na binitawan niya ko. Tinignan ko siya. Ngayon ko lang  napansin na naka shades siya.

Tinanggal niya ang shades niya at....







"IKAW?!"

We Fell in Love TwiceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon