Mabuti na lang at masarap kausap si Jaye Ssan, nawala saglit ang inis ko dun sa aroganteng yon.
At ang masaklap pa, napag-alaman kong magkaiba ang taga ayos ng computer sa trabaho niya. Aishhh. ang bobo ko talaga, mabuti nalang at tawa lang siya ng tawa.
Jaye Ssan's POV
Hello readers🙌. Hehehe. Ako nga pala si Jaye Ssan Yoo. Isa akong RMT at kaibigan ako ni James. hehe. Anyways, heto kami ngayon ni Carmel sa kusina naghahanap ng makakain. Nagutom kasi kami.hehe.
"Uyy Jaye Ssan, ok lang bang Jaye lang itawag ko sayo? ang haba kasi ng Jaye Ssan, at saka magkaibigan na naman tayo di ba?" tanong niya.
"oo naman, kung ok lang din sayo, Cici na rin ang itatawag ko sayo, kasi ang haba din ng pangalan mo. Nakakapagod bigkasin. hahahaha"
Nagtawanan na naman kami. Hayyy, mabuti nalang mabait siya. Ang gaan din ng pakiramdam ko tuwing nagkakausap kami.
Sa wakas, nakahanap na din kami ng pagkain. Instant noodles nga lang, kaya niluto pa namin.
"WOW!!! ansarap naman ng niluto mo Jaye." masaya niyang sabi.
"hahahhha, instant noodle lang yan no. Bakit? ngayon ka lang ba nakakain nito?"
"ahhh.. ehhh. oo. kasi, puru gulay lang pinapakain sakin nung mga kaibigan ko. Health conscious kasi kaya nadamay ako.hehehe"
"ganun ba? hahaha. kain na tayo."
Carmel's POV
Grabe ansarap ng noodle. Gusto ko pa nga sanang kumain, kaso may dumating. Tsk. kahit kelan panira talaga tong lalaki na to.
"Jaye!! tapos na ba kayo?" tanong niya kay Jaye. Akalain mo nga naman, ganun din pala tawag niya kay Jaye Ssan.
"Ayy hindi. Kumakain lang kami dito oh. Halika makikain ka na rin. Hwag kang mahiya." pamimilosopo ko.
"Jaye? pakisabi nga sa babaeng katabi mo, hwag sumingit sa may usapan?"
"Jaye? pakisabi nga diyan sa lalaking yan, na siya ang unang sumingit sa usapan ng may usapan!"
"Jaye, pakisabi diyan sa baliw na yan, na hindi mangingialam sa pagkain na hindi naman sa kanya."
"Jaye, pakisabi nga sa kanya na hindi ako baliw, at hindi naman siya ang bumili ng mga pagkain dito kundi magulang niya!"
"Ja---------
"HEP!! eh kung kayo nalang kaya mag-usap na dalawa." Pagpipigil ni Jaye.
Aish!! nakakaimbiyerna talaga tong lalaking to.
"No need Jaye, aalis na ko may lakad kasi dapat ako, kaso minalas kaya na delay." aba, ako ba tinutukoy niyang malas?
"Alam mo Jaye, wala akong time makipag-usap sa taong yan. Aalis na ako. Itetext nalang kita ha? bye." hindi ako papatalo noh. Tatayo na sana ako kaso pinigilan ako ni Jaye.
"James! alam kong gentleman ka, kaya isabay mo na si Cici. Ihatid mo siya sa bahay nila. pleasee. hindi pa niya kayang maglakad mag-isa."
Lintek!!! ano bang nasa isip ng babaeng to. Hindi ba niya halatang ayaw ko kasama yung gagong yun.
"Oo, gentleman ako sa TAO. Hindi naman yan tao eh."
"ANONG SABI MO?! AKO HINDI TAO? EH ANO KA NAMAN?! AH. HALIMAW!" ginagalit niya talaga ako.
"AKO HALIMAW? HAHAHAHA! NAGPAPATAWA KA BA?! KUNG AKO HALIMAW, IKAW SISIW!!"
"HOY!! ANONG SISIW PINAGSASABI MO!!! HINDI AKO SISIW!! BWISET!!!"
"ANONG HINDI? KAKASABI PA NGA LANG NI JAYE NA SISIW. AHAHAHA. WAG KANG MAGPATAWA. PLEASE."
"BINGE KA BA?!! CICI ANG SINABI NI JAYE HINDI SISIW!!!!!!"
"GANUN NARIN YUN!!!"
"HOY!!!!" Holooo!!! nakalimutan ko na namang nandito si Jaye.
"Alam niyo, pag di pa kayo tumigil diyan, dadalhin ko na kayo sa mental. Para na kayong ewan. Nagsisigawan, eh ang lalapit niyo lang sa isa't isa." pagsesermon niya dala ng pagtahimik namin. Hayyy. napahiya ako dun ah.
"Hoy James!! ihatid mo na si Carmel bilis!!may lakad ka pa di ba? at saka magkavillage lang kayo, kaya wag kang mag-alala, hindi kayo aabutin ng isang oras na magkasama." sabi niya sabay tulak kay James.
Abah!! hindi man lang umangal ang gago. tsk.
Inalalayan ako ni Jaye sa paglalakad hanggang makarating sa labas ng bahay nina James. At himala, ihahatid talaga ako ni mokong.
"Oh, Cici. You need to rest for a couple of days. Wag ka munang magmadaling maglakad ba ka lumala yan." Paalala niya sakin.
"Ah------". hindi na naman niya ko pinatapos. " Ano ba!! matagal pa ba yang pag-uusap niyo? late nako. tsk" reklamo niya.
Humanda ka sakin. bwahahaha.
Dahil mabait ako at masunurin. Binagalan kong kumilos. Nagpaalam nako kay Jaye. Hindi na rin ako nagpaalalay pa papuntang kotse, kaya heto, hindi maipinta ang mukha ni halimaw.hahahaahaha.
Step 1
Step 2
Ste--
TOOOOOOOOOOOOOTTTT!!!!!!!
"waaaah!!!!! ano ba?! gusto mo ba kong mabinge? ha?" grabe makabusina si halimaw. waaaahhh. ang eardrums kooooo. 😭😭😭😭
"Pagong ka ba? bagal mong maglakad. Bilisan mo nga!! nagmamadali ako. Paghindi mo binilisan sa paglalakad, iiwan kita dito!" galit na siya.
Ayoko namang maglakad, kasi nga di ba sabi ni Jaye baka lumala.waahhh.
Muntik ko ng talunin si Flash sa bilis kong maglakad. Grabe, kundi lang ako injured ba ka napatid ko na to papauntang Mars.

BINABASA MO ANG
We Fell in Love Twice
Novela JuvenilAno nga ba ang nakalimot? Ang utak na syang nag-iisip? O ang pusong nagmamahal? May maalala pa kaya ang dalawang taong nagmamahalan? O habambuhay na itong malimutan?