Namamalik mata ba ko?
Hindi eh. Sya talaga tong katabi ko. Well hindi naman ganun kalapit. Mga isang metro lang ang pagitan.
"WTF!!!! are you following me?!" inis nyang tanong.
"FYI mister! kami nauna dito. Baka ikaw tong sumunod samin" mataray na sabi ni Leen sa kanya.
"Jin!!! Pare!!! andito ka na pala . Oh an------ Hey!!! Cici! nandito pala kayo." bati samin ni JC.
"ahhh oo. nagkayayaan lang gumala. Kayo?" tanong ko sa kanya
" humingi kasi si tita ng favor sakin. Ipasyal ko raw si Jin." masigla nyang sabi sabay akbay kay Jin.
"Destiny." dagdag nya sabay iling. Dahilan ng Awkward Silence.
Katahimikan.
"Ahh ehhh.. ano pa hinihintay natin. Sakay na tayo sa mga rides." pambasag ni Belle.
"ok lang bang sumabay kami sa inyo?" tanong ni JC.
Nag-isip pa ang lima sa ka tumango.
"Ferris Wheel muna tayo." yaya ni Mar.
Kesa naman magpa-iwan ako dito. Sasama nalang ako.ahihihi.
Pumila kami sa line at ang arrangement namin ay
Leen-Mai
Mar-Roch
Belle-JC
Ako-JinPandalawahan lang kasi. Napansin kong kumunot ang noo ni Jin ng makitang ako ang katabi nya.
"tsk." saad nya.
"ok lang naman kung ayaw mo kong makasama dyan. Pwde akong makipagpalit kay JC." sabi ko sa kanya. Kukulbitin ko na sana si JC ng magsalita sya.
"tsk . wag na. Ako pa magmumukhang masama."
Sa sinabi nya, may part saking gustong tumalon dahil sa tuwa at lungkot kasi alam kong napipilitan lang sya.
Naupo na kami. Magkatapat lang kami. Walang Imikan, walang tinginan.
Kinakabahan nako kahit pangalawang beses ko ng sumakay dito.
Oo nung una sya ang kasama ko, pero iba pa rin ang pakiramdam ngayon. Feeling ko ang layo-layo nya sakin.
Nagsimula ng umandar ang ferris wheel. At heto ako nakakapit sa may metal holder. Pinagpapawisan na nga ako eh. Pumikit na rin ako para di ako masyadong matakot.
"kaya mo yan Cici.. kaya mo yan." nasabi ko sa sarili ko.
Pero takte.Napamulat ako bigla.!
Σ( ° △ °|||)︴ sh*t!!!! nasa taas na kami.
Pumikit ako uli. Inalala ko yung unang sakay ko dito kasama sya. Unti-unti akong huminahon.
flashback
"wag ka ngang pumikit love!! di mo masisilayan ang view."
"eeeiihhhh.. nalulula nako!"
"kumanta ka."
"ano? bakit naman ako kakanta?"
"basta! sige na love."
end of flashback
Nung maalala ko yon. Napakanta ako.
"Sa piling mo ay nalulula, unti-unti ring nasasanay....
Unti-unti kong idinilat ang mga mata ko.
"sa piling mo ay nalulula, ngunit parang ayoko na yatang bumaba."
Napatingin ako sa kanya. Nakatingin din pala sya sakin.
Nagkatitigan lang kami hanggang sa hindi ko namalayan tumigil na pala.
Pagkababa namin. Napansin ko syang panay hawak sa kanyang ulo.
"Argghhh!"
Rinig kong ungol nya at nakita syang napaluhod. Lumapit ako at akmang hahawakan sya ng itabig nya ang kamay ko. Napansin din ng kasama namin ang nangyari kaya nagsilapitan sila.
"Ok ka lang ba pre?" tanong sa kanya ni JC.
Hindi sya sumagot.
"Dalhin na natin sya sa hospital." sabi ko.
Pero bago pa sya makatayo, nawalan na sya ng malay.
"Jin!" napasigaw nalang ako saka sya inakay ni JC.
Dali-dali kaming pumunta sa hospital.
Pagkadating namin dun. Agad syang dinala sa ER.
Naalala ko na naman yung nangyari sa kanya noon. Hindi ko mapigilang umiyak.
"ok lang sya Cici. wag ka nang umiyak." -------- Roch.
Habang yakap ako ni Roch. Lumabas ang doktor. Agad namin syang nilapitan.
"ano po nangyari dok? kamusta po sya?" tanong ko.
"nasan ang mga magulang nya?" tanong ng doktor.
Sakto namang dumating sina tita.
"andito po kami dok." sabi ni tita.
"let's talk in my office." saad ng doktor at sumunod sina tita.
Ilang minuto rin ay bumalik na sina tita.
"Ano po ang kalagayan ni Jin tita?" di ko mapigilang hindi magtanong. Mukhang nagulat si tita at agad naman akong sinagot. "ahh ehhh. ok lang naman sya Iha. wag ka nang mag-alala. uuwi rin kami agad pag gising na sya."
Nag nod nalang ako. Gusto ko mang hintayin syang gumising pero alam kong hindi ako ang gusto nyang makita, kaya napagdesisyunan kong umuwi na. Makikibalita nalang ako kay JC.
BINABASA MO ANG
We Fell in Love Twice
Teen FictionAno nga ba ang nakalimot? Ang utak na syang nag-iisip? O ang pusong nagmamahal? May maalala pa kaya ang dalawang taong nagmamahalan? O habambuhay na itong malimutan?