Chapter 13

5 0 0
                                    

Pumasok na ulit kami ni tita. Sinabi ko sa kanila na umuwi na kami. Kahit na nagtataka sila, sumunod na lang sila sakin.

Nagpaalam nako kay tita saka tumingin kay Jin na nakatutuk lang sa TV.

Nagpaalam ako sa kanya, "Uuwi na kami Lo--- Jin." hindi ko na inantay ang sasabihin niya. Lumabas kami agad sa room.

Hindi nila ko tinatanong. Sunod lang sila ng sunod sakin, hanggang sa nakalabas na kami ng Hospital, saka ako nagsalita.

"sa bahay ko na sasabihin. Kain muna tayo."

Nagnod na lang sila. Kumain lang kami sa tabing fastfood chain ng ospital saka umuwi.

Walang imikan simula sa biyahe hanggang nakauwi kami.

Pumasok na kami ng bahay, sabay upo namin sa sofa ng sala.













"Hindi na natin gagawin ang napagplanuhan." pambasag ko sa kanila.

Agad naman sila napaayos ng upo.

"bakit? ano ba sabi ng mama niya?" tanong ni Belle.

"makakasama sa kanya ang plano. Hindi dapat natin siya pinapanguhan kasi sabi ng doktor, pag ganon, malaki ang tsansang hindi na sya makaalala habambuhay." paliwanag ko sa kanila.

"ba't ganon? tutulungan nga natin sya eh? ba't makakasama sa kanya ang pagtulong natin?" tanong ni Mai

"Sumunod na lang tayo sa sabi ng doktor. His mom already asked me that favor. Hihintayin na lang nating kusa syang makaalala." dagdag ko sabay akyat.

Mai's POV

Tinitignan lang namin syang naglalakad paakyat.

"I guess, this is it.?" sabi ni Roch.

"wala na palang ibang paraan para mapabilis ang pag-alala nya." nakalumbabang sabi ni Mar.

"let's just support Cici during the process, alam naman nating hindi ito madali para sa kanya." ani ni Leen at napatango kami.

Tama, susuportahan na lang namin si Cici during the process. Kailangan nya ng kaibigan lalo na sa panahon ngayon.

Cici's POV

Isang linggo makalipas ng pag-gising ni Jin.

Ibinalita na rin sakin ni tita na nakauwi na sila nung araw na pumunta kami para sana umpisan ang plano.

Napagdesisyunan ko na ring puntahan siya sa kanila tuwing uwian. Sinabi ko na rin to sa mga kaibigan ko at ang sabi lang nila, "kaya mo yan! fighting!"

Nagpaalam na rin ako kina tita sa gagawin kong pag-aalaga kay Jin tuwing uwian. Nung una hindi sila pumayag kasi daw kaya na nila, pero I insisted, kaya sa huli ,pumayag na rin sila.

Heto ako ngayon nag-aabang ng taxi.

Di din nagtagal may taxi na dumating. Sumakay naman agad ako.

Mga 20 mins. din ang inabot ng byahe papunta sa kanila.

Pangatlong araw ko na rin ngayon. At sanay nako sa kanya. Sino ba namang hindi di ba? We've been in a relationship for 2 years. So hindi na nakapagtataka kung nasanay man ako sa kanya ng ganun kadali.

"Andito ka na naman?!" sigaw niya sakin.

Ang ibig kong sabihin na nasanay na sa kanya, ay ang ugali niya ngayon. Nung una, naapektohan ako sa tuwing sinisigawan niya ko, pero kala-unan, hindi ko na din inintindi.

Di ko na sya pinansin at dumiretso sa kusina para kunin ang pagkain nya.

Binalikan ko sya sa sala sabay abot ng pagkain.

"Ano yan?!" tanong niya. "Pagkain." sagot ko sa kanya.


1





2






3





"Alam kong pagkain yan.! Hindi ako bulag.! kunin mo't ibalik ito sa kusina, HINDI AKO NAGUGUTOM!" sigaw niya.

Tatalikuran ko na sana sya ng hinigit nya ang braso ko.

"marunong ka bang makinig?! ang sabi ko hindi ako nagugutom!" sabi nya sabay hagis nung tray.

Hindi pa rin ako na-imik. Inalis ko yung braso ko sa pagkakahawak nya. Saka pinulot yong pagkain sa sahig.

Tumayo na ko at bumalik sa kusina.

Bumalik na rin ako sa sala. Nakita ko syang naglalaro ng video games.

"nasa kusina ang pagkain kung  sakali magutom ka." sabi ko. "nandon na rin yung gamot mo." dagdag ko.

Ilang oras rin akong naghihintay sa kanyang kumain, pero wala pa rin. Gamot lang ininum nya. Hindi rin nya ko pinapansin.

Hayyy. Cici. Patience is a virtue.
Naghintay pako ng mga ilang minuto saka ko napagdesisyunang tumayo.

Papalabas na sana ako ng bahay nila ng marinig ko syang magsalita.

"tanga ka ba? o nagtatanga-tangahan lang? Hindi pa ba halata na ayaw kita dito? more of ayaw kitang makita?"

Napahinto ako. Paglingon ko sa nagsalita, wala na sya.

Lumabas nako ng tuluyan. Mabuti na lang may nadaan na taxi.

Pinara ko ito at sumakay. Sinabi ko sa driver ang lugar.

Ilang minuto rin at nakarating ako sa bahay.

Hindi muna ako pumasok sa loob. Pumunta muna ako sa may hardin namin. Humiga ako sa grasslone at tinitigan ang kalangitan.

"kaya ko to." sabay agos ng mga luha ko.

We Fell in Love TwiceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon