"GIANNA!!!" sigaw sa kanya ni Jin.
"what??? gusto ko lang naman na magising sya sa katotohanan!"
Pak!!!!!
Sinampal ko sya.
"Gusto kong malaman mong hindi ako ang dapat magising sa katotohanan, Kung meron man satin ang dapat magising, Ikaw yun!" galit kong sabi sa kanya.
Akma nya kong sampalin ulit, pero hinarang ito ni Jin.
"what the? umalis ka dyan Jin, tuturuan ko lang yan ng leksyon!" inis na sabi nya.
Tinitigan nya ko. Magsasalita na sana ako ng maramdaman kong may humigit sakin.
"Mike? anong ginagawa mo dito?"
"what the hell Cici, sinaktan ka na, pero hindi ka pa rin umaalis. Anong pumasok sa utak mo't nakatayo ka lang dun?" inis nyang sabi.
"bitawan mo ko Mike. Kailangan kong bumalik don." pagpupumiglas ko sa kanya.
Tumigil sya sa paglalakad at humarap sakin.
"Tanga ka ba o nagtatanga-tangahan lang?" saad nya.
"Oo TANGA AKO! TANGA AKO KASI IPINAGLALABAN KO ANG PAGMAMAHAL KO SA KANYA! TANGA AKO KASI NAGPAPAKAMARTYR AKO! ANG TANGA TANGA KO!!! PERO MAY MAGAGAWA BA KO? MAHAL KO SIYA MIKE!! MAHAL NA MAHAL!!! KAYA OK LANG SAKING MAGMUKHANG TANGA!" sigaw ko sa kanya. Umiiyak na din ako.
Naramdaman kong humigpit ang pagkakahawak nya.
"Ano ba Mike, nasasaktan ako. Bitawan mo ko!" reklamo ko sa kanya.
"hindi ko kaya." sabi nya.
"Hindi ko na kayang nakikita kang ganyan Cici. Nasasaktan nako." dagdag nya.
"Pleaseeeee. let me go." pagmamakaawa ko sa kanya.
Unti-unti siyang kumalas.
"I'm sorry Mike, pero kailangan ko siyang balikan." sabi ko sa kanya sabay takbo.
Nakita ko si Jin, tumatawid ng kalsada papunta sa kinaroroonan ko. Hindi niya nakita ang sasakyang parating, kaya tumakbo ako patungo sa kanya at tinulak sya.
"CICI!!!!!!!!!!"
Napalingon ako at.......
kreeeeeekkkk!!!!""
Jin's POV
"ano bang problema mo at ipinagtanggol mo pa sya ha?!"
Hindi ako umimik. Susundan ko si Cici.
Hindi ko din alam kung bakit. Gusto ko lang malaman kung ok sya.
"where are you going?" tanong nya.
"go home Gianna." sabi ko saka umalis.
Nakita ko sya sa kabilang side ng kalsada. Hindi ko alam, pero sadyang gumalaw ang mga paa ko patungo sa kanya.
Napansin kong tumatakbo sya patungo sakin. Nang magkalapit kami, bigla na lang nya ko tinulak, dahilan ng pagkahiga ko sa kalsada.
"CICI!!!!!"
kreeeeeekkkk!!!!""
Agad akong tumayo at napalingon sa kanya.
Nanginig ako.
Si Cici. Nakahiga sa kalsada at punong-puno ng dugo.
Dali-dali akong lumapit sa kanya .
"Cici!! wake up. help is on the way. " saad ko. Hindi ko alam kung ano ang gagawin.
Sheeeeettttt!!! ba't nya ko tinulak? Ako dapat yun!! Ako dapat ang nasagasaan.!!
May lalaking lumapit samin.
"Ano pa bang kailangang mangyari sa kanya para lapitan mo sya?" tanong niya.
Hindi ako umimik.
Di nagtagal, may ambulansyang dumating. Agad nila itong inihiga sa stretcher at ipinasok sa sasakyan.
Nakatingin lang ako hanggang sa unti-unting nawala ang ambulansya.
Bakit nya ko tinulak? Ang dami kong ginawa sa kanyang hindi maganda, minura ko pa sya. But still, she let herself get hit by a car, kaysa sakin.
BINABASA MO ANG
We Fell in Love Twice
Teen FictionAno nga ba ang nakalimot? Ang utak na syang nag-iisip? O ang pusong nagmamahal? May maalala pa kaya ang dalawang taong nagmamahalan? O habambuhay na itong malimutan?