AN: Salamat sa support Movedongirl.hahaha. ohh hayan!! nag UD na aketch.
PS: pagpasensyahan na lahat ng typos ko ah. Tao lang, nagkakamali. hahaha
Mike's POV
Hawak-hawak ko ang kamay ni Cici.
"Don't worry Cici, malapit na tayo."
Gumalaw siya pagkatapos kong magsalita.
"Oh my God Cici!! naririnig mo ba ko? malapit na tayo sa ospital."
"Ji---------in" mahina nyang saad.
"shhhhhhhhhh. . don't worry Jin's ok. " paninigurado ko sa kanya, hanggang sa nawalan sya ng malay.
Nandito na kami sa ospital at dali-dali naming ipinasok si Cici sa ER. Agad naman naglapitan ang mga Doktor at nurses.
Tinawagan ko na rin ang mga kaibigan nya.
Kahit anong pilit kong maging kalma, di ko magawa. Natatakot ako sa pwedeng mangyari.
"Mike!!!!!!"
Napalingon ako sa nasigaw. Nakita ko ang mga kaibigan niyang paparating. Lahat sila umiiyak.
"Nasan si Cici? anong nangyari sa kanya Mike?" tanong sakin ni Mar.
"Nasagasaan sya ng kotse." sagot ko.
"Pano nangyari yon? basta-basta nalang syang tumawid?" tanong ni Roch.
"She saved me."
Lumingon kami sa nagsalita.
"You!!!!! ikaw na naman ang dahilan?!!! ikaw lang naman palagi ang dahilan kung bakit nagkandaletse-letse ang buhay ni Cici!!!!" sigaw sa kanya ni Leen.
Nilapitan sya ni Belle at sinampal.
Pak!!!
"She did everything for you kahit ilang beses mo syang ipagtulakan. How dare you!!!"
"Ako dapat ang nasagasaan hindi sya. Hindi ko to ginusto. I'm sorry." -----Jin.
"Pagdating naman sayo, lahat hindi mo ginusto. Hindi mo din ba ginustong saktan sya?!" sabi ko sa kanya.
Hindi siya umimik.
"Leave Jin. Bago ko pa makalimutang minsan naging kaibigan ka namin." sabi sa kanya ni Mai.
"I'm sorry." sabi nya saka umalis.
Ilang oras din kaming naghintay sa labas ng ER. Tinawagan na rin nina Leen ang parents ni Cici.
"She's a fighter guys, don't forget that." nagsalita si Leen.
"Yeah, I know she'll survive." dagdag ni Belle.
Panay dasal lang kami dito. Hanggang sa lumabas ang doktor galing sa loob ng ER.
Agad namin syang nilapitan.
"Doc, how is she?" tanong sa kanya ni Roch.
"Maraming dugo ang nawala sa kanya, but she survived for now."
"anong ibig nyong sabihin doc?" tanong namin.
"malakas ang naging impact sa ulo nya dahil sa aksidente. May mga organs ding naapektuhan sa katawan nya. At sabi ko nga she lost a lot of blood. Nagkaroon din sya ng internal bleeding sa ulo niya. Kaya, hindi pa natin malalaman kung naging successful ang ginawa namin hangga't di pa sya nagigising."
"Is there a possibility doc, na hindi nya......"
"Na hindi nya makayanan? Yes. If that will be the case, wala na kaming magagawa. Kailangan natin ngayon ang magdasal na sana magising sya agad." sabi ng doktor saka umalis.
"This can't be happening. Why her?!!" sigaw ni Mai saka umiyak.
Napasuntok na lang ako sa dingding. Ayokong umiyak, dahil alam kong magigising sya.
"Di ba she's a fighter? kaya nyang lampasan yan. Si Cici pa." malungkot na saad ni Leen.
I know you'll survive Cici. I know you'll survive.
Napagpasyahan nila Leen na sila muna ang magbabantay dito sa ospital. Kahit ayokong umuwi, wala akong nagawa kasi ipinagtulukan nila ako lahat.
Belle's POV
Nandito na ang parents ni Cici. Panay iyak lang sina tita at tito nung nalaman nila ang kondisyon ng kanilang anak.
"you should go home and rest. Kami na muna bahala dito. Babalitaan lang namin kayo kung may pagbabago na sa kalagayan nya." sabi ng mama nya.
Tumango lang kami. Lumapit kami kay Cici na nakahiga. Maraming wires ang nakasaksak sa kanya, may tubo sa kanyang bibig, at may plaster ang kanyang ulo.
Magpapaalam na sana kami sa kanya ng bigla syang nanginig.
"Omygash!! tumawag kayo ng doktor.!!!" sigaw ko.
Agad naman nagsipasukan ang doktor at iilang nurse.
Hindi namin makita ang ginagawa nila. Tanging pag-inject lang sa kanya ang nasilayan namin. Ilang minuto rin bago sya huminahon.
Nagsalita ang doktor.
"Mr. and Mrs. Kim, We need to transfer your daughter to the states. Hindi kasi kami pwedeng mag-inject ng mag-inject sa kanya. Kung gagawin namin yun, baka mas lalong lumala ang kondisyon nya. That's the only option I can suggest to you, alam naman natin kung gaano ka advance ang states, I'm sure meron pa silang pwedeng magawa para gumaling ang anak niyo."
Agad na tumango sina tita at sumunod sa doktor palabas.
Lahat kami natahimik. Ayaw man naming umalis sya ng bansa, wala kaming magagawa. Lalo na ngayon. Mas mapapanatag ang loob namin kung aalis sya at gagaling, kesa nandito sya, at lalala lang ang kondisyon nya.
BINABASA MO ANG
We Fell in Love Twice
TienerfictieAno nga ba ang nakalimot? Ang utak na syang nag-iisip? O ang pusong nagmamahal? May maalala pa kaya ang dalawang taong nagmamahalan? O habambuhay na itong malimutan?