AN: Alam ko puro pasakit ang mga nagdaang chapters. Hayaan na. Darating din tayo sa kilig kilig na moments. hahaha. Patience is virtue. 😉😉
Cici's POV
"ok Cici, say Ahh."
Ano ba naman to, ginagawa akong bata.Tsss. Kung di lang sila ganun katyaga sakin, baka kung ano magawa ko sa kanila.Hayyy.
At dahil nga sabi nila say aahhh. Para akong timang na sumunod. Para na rin daw maexercise ang bunganga ko.
Nakakapagsalita na naman ako. Umabot nga lang ng isang buwan. Ang mga kamay at paa ko naman, ayan wala pa rin. Hanggang upo lang ako. Sumasakit kasi ang balakang ko kapag sinusubukan kong lumakad.
Kilala ko na sila lahat. Napanganga nga sila nung bigla akong magsalita. Hindi man ganun kaderetso, atleast naiintindihan din nila.
Alam na rin nila na may amnesia ako.
flashback
Sinubukan ko talagang magsalita. Dahan dahan kong ginalaw ang bibig.
"Si......si....n....n.....o k...a.....a....yo?"
Sa wakas! nakapagsalita rin ako. Nang marinig nila kong magsalita, halos lumuwa ang kanilang mga mata.
sila O_O
"si.........no...a.....a.......a....ko?" sabi ko ulit. Nakatunganga pa rin sila hanggang may nagsalita.
"omygash!!! Cici!!! nakakapagsalita ka na!!!!" maluhaluhang sabi n sino nga ulit to? hmmmm. aaaahhh alam ko na. si Belle. Tama si Belle nga to.
Tumango lang ako. Agad naman nila kong niyakap. Napaluha naman ko ng di oras. Ramdam ko kasi kung gano sila kasaya.
"Teka? tama ba narinig ko? hindi mo kami kilala?"
"o.........o" sagot ko. Agad naman nilang tinawag ang doktor. At nalaman naming may amnesia ako.
end of flashback
"Ayyy! MUNTANGA!!" sigaw ni Leen. "ano ka ba naman Cici. wag ka ngang tumunganga dyan."
Napatunganga pala ako. hahaha. Si kuyang pogi? haha. nandito rin siya. Nalaman ko ring siya ang nag-aalaga sakin nung panahong tulog pako. At alam ko na rin ang Pangalan niya. hahha. Siya si Mike. Oh di ba? pangalan pa lang alam mo ng HOT.
"Ayyy, muntik ko nang makalimutan. Sabi ng doktor, ngayong araw daw sisimulan ang therapy mo." sabi sakin ni Mar. Tumango lang ako. Aba, excited nakong makalakad ulit. hahaha
Nagkwentuhan lang kami sabay kain. Habang ngumunguya ako, napansin kong nagbubulungan ang lima. Ayy. hindi pala bulungan, kasi naririnig ko naman. Effort much-_-
"narinig nyo ba ang balita?" Mai.
"Alin dun? yung tungkol ba sa kagandahan ko o kasexyhan?" Mar.
Paaaaaakkkk!!
"arayyyy!!!! bakit ba kayo nananakit ng kapwa!!!" reklamo niya. binatukan lang naman sya ni Belle.
"tssss. Oh balik tayo sinasabi mong balita. Ano ba yon?" Belle.
"ahhh, si Jin. Nandito raw." Mai.
"HA? asan? ba't di ko siya nakikita dito? Hindi ko alam, marunong pala mag-invi------Arayyy!!! Putek!!! ano ba!!!" Mar.
"Wag ka nga tatanga-tanga dyan!! Ibig sabihin ni Mai, nandito sa estados unidos, hindi dito sa ospital!!! shunga!!" Roch.
Ohh diba? Nag-effort pa sila, eh rinig na rinig ko naman. Teka? sino ba si Jin? ba't parang pamilyar sakin ang pangalan na yun? at bakit mukhang nag-aalala ang limang bruha? matanong nga.
"Pssssst!!! si......ino si J---in?"
◑▂◑ ◑▂◐
"ahhh .. ehhh. Ka klase namin nun.Tama!! ka klase. di ba?" alinlangang sagot ni Leen. Tumango lang sila.
Hmmmm. I smell something fishy. ...
Mai's POV
"Hindi ba natin sasabihin sa kanya kung sino talaga si Jin?" tanong ko sa kanila.
Hindi sila umimik. Siguro, hindi din nila alam ang sagot.
Mag-iisang linggo na rin matapos magtanong si Cici tungkol kay Jin. At sa kasamaang palad, hanggang ngayon nangungulit pa rin sya tungkol dito.
Si Mike kaya ang tatanungin ko, baka may masuggest siya. Malapitan nga.
"ahmm Mike?" panimula ko.
"hmmmm?"
"kasi ano.....ahmm..."
"ano?"
"ahhmmm . napansin mo siguro na panay tanong si Cici tungkol kay Jin."
Tumango siya.
"Sa tingin mo, dapat ba niyang malaman ang tungkol sa kanya? I mean, kelangan pa ba niyang malaman ang nakaraan nila?"
Mga ilang segundo rin, bago sumagot si Mike.
"Kung ako lang? Ayoko. Baka maalala lang nya lahat ng sakit ng nakaraan."

BINABASA MO ANG
We Fell in Love Twice
Novela JuvenilAno nga ba ang nakalimot? Ang utak na syang nag-iisip? O ang pusong nagmamahal? May maalala pa kaya ang dalawang taong nagmamahalan? O habambuhay na itong malimutan?