Chapter 12

2 0 0
                                    

Tumigil na din ako sa pag-iyak. Ang hapdi na rin kasi ng mga mata ko. Mugto pa. hayyyy. bawas ganda.





"anong gagawin mo Cici?" tanong ni Mai.

Umiling ako. Hindi ko kasi alam kung ano ang gagawin ko.




Ano nga ba ang gagawin ko? hayyyy.. naguguluhan ako.



"why don't you introduce yourself to him?." suggest ni Roch.

"yeah! introduce yourself and tell him, " hi, I'm your girl!"  di ba?" dagdag ni Mar.

Binatukan naman sya ni Leen. "what was that for?" reklamo ni Mar sabay hawak sa ulo. "that's for being stupid, friend" sagot nya kay Leen.

"bakit? may suggestion ka ba? ha?" tanong niya pabalik kay Leen.

"ofcourse! It's called "remember me Plan" hahahaha." napatayo pang sabi ni Leen.

"anong plan yan?" tanong ni Belle sa kanya. "mygash! friend, "remember me plan" nga di ba? slow mo!" sagot niya. "ok, whatever." walang ganang sagot ni Belle.

"Spill!" demand nung apat kay Leen.

"ok, ok, chill, atat masyado mga ateng?!. hmmmp. "remember me plan" simple lang, Make him remember Cici." pagpapaliwanag ni Leen. "paano nga?!" sabi naman nung apat.

"patapusin nyo muna kasi ako saka kayo sumingit.! mmp. ok. Rewind! Ibabalik natin ang mga nangyari 2 years ago bago sila nagkaron ng relasyon." paglilinaw ni Leen.

May point ang ideya niya, kaso, pano kung di pa ron niya ko maalala?

"paano kung wa epek friend?" tanong ni Mai.

Nag-isip muna si Leen saka nagsalita at tumingin sakin.

"then....... NEVER LEAVE HIS SIDE. KUNG KINAKAILANGANG 24/7 MO SYANG SAMAHAN, GAWIN MO . HANGGANG SA MAALALA KA NIYA. pero kung wala pa ring pagbabago, then Let time pass until he's back to his old self." mahabang sagot ni Leen dahilan ng pagtayo ng apat sabay palakpak.

"Grabe...... friend.... ikaw na!..














IKAW NA MAY PINAGHUHUGUTAN. HAHHHAHHA." tawa nung apat. Kaya binato sila ni Leen ng unan sa sofa.


Naghabulan pa sila hanggang sa mapagod. Umupo sila ulit saka nagsalita nanaman.

"Let's go!" order ni Mar sabay tayo .



"To where?." takang tanong ni Roch.






"To start "Remember me Plan"!!" pagkasabi nun ni Mar.

Nagsitayuan na sila sabay hila sakin. Dinala nila ako sa kwarto at tinulak sa banyo sabay sabi " MALIGO KA NA'T MAGPAGANDA DAHIL BABALIK NA ANG LOVE MO!!" sigaw nung lima.


Hayyy. Sinunod ko ang sinabi nila. Sana nga lang magtagumpay sila sa plano nila.









Nandito na kami sa Hospital. Malapit na kami sa room ni Jin, pero kusang tumigil ang mga paa ko sa paglakad.

Hinawakan ako ni Belle para alalayan.

Nasa tapat na kami ng pintuan ng bigla itong bumukas.


Bumungad samin si Jin. Halata sa mukha niya ang pagtataka. Saka sya nagsalita.

"ano na naman ang ginagawa nyo dito?" tanong niya. "nadagdagan pa kayo ng isa." dagdag niya sabay tingin sakin.



"ikaw!..... tama, ikaw yung babae na bigla biglang pumasok tas bigla bigla ring umalis." sabi nya sakin.


Natulala ako. Hinawakan na rin nila Leen ang isang kamay ko. Gusto kong umalis. Pero di ko magawa.

may nagsalita mula sa loob .

"sino ba ang nandyan Jin?"  sabay lapit samin.

"Iha," tawag sakin ni tita, ang mama ni Jin.

"Pumasok muna kayo." sabi niya samin .

"kilala mo ba sila ma?" tanong sa kanya ni Jin. "yes, They're your friends and the girl they're holding is your GIRLFRIEND." diretsong sagot ni tita at diniinan pa nya ang salitang girlfriend.




Napatingin sakin si Jin mula ulo hanggang paa.

-_^?





"your joking right?" tanong niya kay tita sabay iwas sakin.


"NO." sagot ni tita.





Hindi ko alam kung pano kami nakapasok ng tuluyan sa room ni Jin.


Kinakabahan na talaga ako. Kasi naman, panay tingin lang si Jin sakin. Nakaka-intimidate.






_(._.)_

"Cici." tawag sakin ni Tita. "pwde ba tayong mag-usap sa labas.?" tumango ako saka sinundan syang lumabas.



Napahinga muna si tita saka nagsalita. " alam mo na siguro ang kondisyon ni Jin?" tumango ako. "alam kong nasasaktan ka at naguguluhan ka sa nangyari sa kanya, pero sana wag ka mawalan ng pag-asa." sunod-sunod nyang sabi." Sabi ng doktor temporary lang daw yan, pero may paalala rin sya. Hindi daw dapat madaliin si Jin na makaalala. Baka raw kasi lumala pa hanggang sa hindi na talaga sya makaalala." Umiiyak na sya. "hiling ko lang, sana wag kang magmadali na maalala niya." tumango na lang ako at niyakap si tita.

We Fell in Love TwiceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon