AN: Salamat sa lahat ng nagbasa ng story na to. I love you guix!!!!
———————
Mag-iisang buwan na rin matapos ang aksidente.
Ganun pa rin. Mahimbing pa rin ang pagkakatulog ni Jin. Paminsan-minsan ding gumagalaw ang kanyang kamay, pero hindi pa rin sya nagigising.
Simula na rin ng 2nd semester. Ayaw ko mang mag-aral muna, kaso di pwede. Baka magalit si Jin. Ayaw pa man din yang aabsent ako.
Uwian na, kaya nagmadali akong lumabas ng silid. Lakad pa rin ako ng Lakad hanggang sa may ma bangga ako, dahilan ng pagkahulog ng mga dala kong libro.
"aishh... tumingin ka nga sa dinadaanan mo para hindi ka mabangga nang kung sinu-sino." sabi nung nakabangga sakin.
Uminit naman bigla ang ulo ko sa mga pinagsasabi nung nakabangga sakin.
"Excuse me? so ako pa ngayon ang may kasalanan?! ako na nga tong nabangga mo ako pa ang may kasalanan?! Taena ka pa la eh!!! kita mong nagmamadali yung tao, paharang-harang ka pa diyan sa daan!!!" galit kong sagot sa kanya sabay pulot ng libro kong nasa sahig.
"whatever." yun lang ang sagot niya, sabay smirk.
"Putek!!!! SORRY HA?! AKO PA NABANGGA MO!!" sigaw ko sa kanya saka naglakad ulit..
Hindi ko namalayang tinatawag na pala ako ng mga kaibigan ko.
"FRIEND!!!!!" sigaw ni Belle.
"ANO?!" galit kong tanong saka tinignan sila.
Agad naman silang tumakbo papunta sakin.
Roch - "ang highblood teh?"
"kasi naman may gag*ng bumangga sakin kanina." nanggagalaiti kong sabi.
"sino? gwapo ba? san patungo? baka mahabol pa natin yung lalaki." sunod-sunod na tanong ni Mai Ccah.
Nagkibit balikat na lang ako, saka ulit naglakad palabas ng school.
"Cici, san punta mo?" tanong ni Leen.
Nakasunod pa pala sila sakin.
"sa hospital." tipid kong sagot.
Sa huli, sumama nalang sila sakin. Nagcommute lang kami since wala kaming dalang sasakyan.
Nang makarating kami sa hospital. Biglang nagring ang phone ko.
JC calling.........
"hello?"
(Cici!!)
"ba't nasigaw ka dyan? napatawag ka?"
(Nasan ka?)
"kararating lang namin sa hospital. bakit?'
(Gising na sya!)
Pagkarinig ko palang sa sinabi ni JC, agad kong inend yung call at tumakbo.
Takbo lang ako ng takbo. Nagsitakbuhan na rin sila kahit na nagtataka sila kung bakit ako nagmamadali.
Nang makita ko ang room ni Jin. Dali-dali kong binuksan ang pinto.
"Jin!" mangiyak-ngiyak kong tawag sa pangalan niya.
Hindi ko alam kong anong mararamdaman ko nung nakita ko siyang nakaupo sa kama niya.
I blink my eyes for a couple of times, para malaman kung totoo ba na nagising na sya at hindi ito panaginip lang.
Totoo nga! gising na ang Love ko.
Lalapit pa lang ako sa kanya nang magsalita sya.
"who are you?"
Bigla akong napatigil. Lumingon ako sa likod ko para malaman kung sino ang tinatanong nya. Pero walang tao.
"ikaw!" turo niya sakin. "Sino ka?"
And my heart stopped beating. Hindi ko alam kong jinojoke time lang nya ako, pero walang "joke lang love." Seryoso pa rin syang nakatingin sakin.
Ako naman, nakatunganga lang. Hindi ko magawang umalis. Kasi nagbabakasakali akong binibiro nya lang ako, pero tinanong nya ulit ako.
"who are you?"
Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Umalis ako ng kwarto nya saka tumakbo.
Nadaanan ko pa ang mga kaibigan ko.
Takbo pa rin ako ng takbo. Hindi ko alam kung saan ako patungo, basta ang alam ko lang, gusto kong umalis sa lugar na yon. Gusto kong umiyak. Gusto kong sumigaw.
Nung nakaramdam ako ng pagod. Tumigil nako kakatakbo. Nakita ko na lang ang sarili ko sa isang park.
Napaluhod ako sa lupa, kakahanap ko ng hangin. Hinihingal kasi ako.
"bakit ganun?" sabi ko.
Nakaramdam ako ng tubig na pumatak sa kamay ko. Tumingala ako sa langit. Hindi naman umuulan. Kinapa ko ang mukha ko, saka ko nalamang umiiyak na pala ako.
Iyak pa din ako ng iyak ng may kumalabit sakin sabay abot ng panyo.
Hindi ko sya pinansin. Patuloy pa din ako sa pag.iyak.
"hindi ko alam ang pinagdaraanan mo miss, pero sana man lang tanggapin mo ang panyong to ng mapunasan ang mga luhang walang tigil ang pagpatak galing dyan sa mga mata mo." sabi nung lalaki. Nalaman kong lalaki sya nung nagsalita sya.
Hindi ko pa rin sya pinansin.
Bigla nya lang hinawakan ang kanang kamay ko sabay lagay ng panyo saka umalis.

BINABASA MO ANG
We Fell in Love Twice
Teen FictionAno nga ba ang nakalimot? Ang utak na syang nag-iisip? O ang pusong nagmamahal? May maalala pa kaya ang dalawang taong nagmamahalan? O habambuhay na itong malimutan?