Chapter 8

6 0 0
                                        

2 weeks.











It's been 2 weeks since the accident and until now, hindi pa din nagigising si Jin.

Ang sabi ng doktor normal lang sa mga naoperahan sa ulo ang matagalang pagtugol. Hindi raw kami dapat mag-alala dahil magigising pa sya.



Pero nung isang linggo pa niya sinabi na magigising si Jin. Mag da-dalawang linggo na tulog pa rin siya.


Napatitig ako sa kanya. Hindi ko namalayang tumutulo na pala ang luha ko.


Pinunasan ko ang luha ko sabay upo sa tabi niya. Hinimas-himas ko ang mukha niya.

"love? naririnig mo ba ko?"bulong ko sa kanya.

"kailan ka ba gigising? Natitiis mo bang hindi ako makita.? kasi ako, kahit nakikita kita araw-araw namimiss pa rin kita. Yung ngiti at boses mo namimiss ko na. Sa tingin ko nga mababaliw nako kong di ka pa gigising dyan. Pero alam kong ayaw mo kong mabaliw. Aba't pano nalang kong nabaliw ako? edi di ako ang una mong makikita pagdilat mo. Nasa mental na kasi ako kung ganon. Kaya kong ayaw mong dalhin ako sa mental, gumising ka na." sabay yakap sa kanya.




"ayy baliw na sya guix."

"tsk, lagot na! kailangan na ba natin siyang ipacheck up?"

"baka di pa ganon kalala, baka nagdedaydream lang yan."



"hindi eh. may mali talaga sa kanya."



"ba't nya kinakausap ang taong tulog?"


bulong nung limang baliw.





Binato ko sila ng balat ng orange.






Agad naman silang nabalikwas.



"sabi na eh! nababaliw na talaga ang kaibigan natin." sabi ni Roch.

Nilapitan ko sila. Bawat hakbang ko papalapit sa kanila ay hakbang din nila palayo sakin.



O_o






(>_<)



"hoy! hindi ako baliw!! kayo ang baliw!! Nagbulungan pa kayo, dinig na dinig ko naman.!" sigaw ko sa kanila.




"ssshhhhht. . natutulog ang love mo. ganyan ka na ba ka atat na dumilat sya?" sabat ni Leen.




Agad naman ako napatingin kay Jin. Mabuti na lang at di sya nagising.

We Fell in Love TwiceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon