Chapter 6

5 0 0
                                        

Cici's POV



Time flies so fast when you're having fun. Sabi nga nila.




Hayy ang bilis naman ng panahon. Parang kahapon lang first day ng clase tas ngayon Final week na namin.

Tadtad na naman ang mga utak namin nito. hayy. Last day na ng final exam namin at napagplanuhan naming gumala. Premyo saming mga sarili kumbaga.hahaha


Napagplanuhan naming gumala sa Mall tas sa Karaoke bar. Ilalabas daw namin lahat ng stress namin throughout the sem.

"Leggo people!" masiglang sabi ni Mar.

Papunta na kaming Karaoke bar. Excited na kasi sila masyado kaya di kami nagtagal sa mall.

"Ilang oras ba tayo dito?." tanong ni Belle.

"Hmmp. anong oras na ba?" tanong ni Leen sabay tingin sa relo niya. " 8pm pa lang. So hanggang magclose sila saka tayo aalis.hahahhhha." itinaas pa talaga niya ang dalawang kamay sabay talon.

"tenge ka din no? 24/7 kaya sila, So dito lang tayo forever?" pambabasag ni Roch.

"ehh di. Hanggang 12 midnight.!" suggestion ni Mai Ccah, na napatango sa barkada.

"hoyy! nu probelama mo?." tanong sakin ni Leen.

Napansin niya sigurong tahimik lang ako.

"wala. pasok na tayo.!" sabi ko sabay higit sa kanila.

Wala ako sa mood. Bakit? Whole day ko kasing hindi nakita si Jin. Last txt nya sakin kagabi pa. Sabi nya wala siyang exam ngayon. Hindi niya ko masasamahan dahil may gagawin siyang importante.

Ano kaya yon?. hayyyy.



Jin's POV



Alam kong magtatampo si love ngayon pero para sa kanya naman tong ginagawa ko.

Busy ako sa pagpreprepare ng anniversary namin. Kinuntsaba ko pa ang mga kaibigan niya para hindi niya mapaghalataan ang ginagawa ko.



Tiningnan ko ang paligid.




Nagbuntong hininga ako.



"para sa kanya to Jin. para sa taong mahal na mahal mo." sabi ko sa sarili.


"ganda pre!. A for Effort." sabi ng kaibigan kong si JC.


Nagpatulong kasi ako sa kanya sa paghanda sa anniversary namin.

"anong oras na ba?." tanong ko sa kanya. "oras na para kunin ang babaeng mahal mo." sagot niya sakin sabay palo sa balikat ko.

"ako na susundo sa kanya pre, magbihis ka na." sabi nya saka umalis.

Agad akong umuwi sa bahay at nagbihis. Nagcommute ako papuntang jewelry shop para kunin yung regalo ko sa kanya.

Nang makita ko ang laman ng box. Napangisi ako. Alam kong babagay to sa kanya.

Agad kong tinago yung singsing sa bulsa ng toxedo ko saka lumabas ng shop.

Dinial ko ang number ni Love.



calling Love❤.................



(hello?..)

love? nasan ka ngayon?

(nasa karaoke bar. papalabas na kami love.)

ahh ganon ba? nakita mo na ba si JC?

(ahh oo love andito sya.... uyy! JC anong ginagawa mo dito?)

(nandito ako para sunduin ka, lika na) rinig kong sagot ni JC.

(love? sinusundo ako ni JC)

OO love, sumama ka sa kanya. ok?

(ok love, teka ano bang nangyayari ha?)

basta love, sumama ka na lang. You trust me right?

(ofcourse, kahit na kinakabahan ako.hehe)

hehehe. . see you.... I LoVe you.

( I love you more...)

Mas mahal kita, sige na magbaba bye nako. Hihintayin nalang kita dito.

bye............ eeeehhhhhkkkkkkk-------------------


Cici's POV


"love?" sabi ko sa kabilang linya.

(tulungan natin! bilis!)

"love?! anong nangyayari!" kinakabahan na ko. Di nako mapakali, ba't di sya sumasagot.

"lo---...."

tooot........




"anong nangyari?" tanong ni JC sakin.

Hindi ko sya pinansin. Dial pa din ako ng dial sa number ni Jin. Pero hindi pa din ito macontact Ano bang nangyari Jin?

We Fell in Love TwiceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon