Chapter 3

947 20 7
                                    

For you ang chapter ngayon, salamat! 😙 FabulousLips

Guys, kindly read my note sa last to find out who portrays the characters. Thankyou 😊

••

CHAPTER 3

"Papunta na ako Gi, reserve niyo nalang ako ng upuan..." Binaba ko na ang tawag niya at tsaka ako tumingin sa salamin.

Madaming tao sa school panigurado, intrams kasi at open yung EU para sa lahat.

Madami akong makikitang pogi, kaya dapat maganda ako, kinuha ko yung lipstick na bigay sakin ni Anne.

Subukan ko kaya? Kaso ayoko ng mga ganito, wag nalang.

Lumabas na ako sa kwarto ko, nakita ko si mama na may kausap sa cellphone niya, may magpapalaba siguro.

"Anak, nandyan kana pala." Binaba niya yung cellphone niya at niyaya na ako para kumain.

"Sarap naman po ng ulam ko ngayon" hotdog kasi ang nasa hapag kainan ngayon.

"Oo anak, malaki laki ang maibibigay kong pera sa'yo ngayon." Nakangiti ko siyang tinignan, mukhang good modd ang mama ko ngayon.

"Mamaya niyo na po 'bigay ma, pag tapos ko kumain." Sabi ko.

Kumain na ako ng madami ngayon, para hindi na ako magutom ng sobra mamaya, dagdag gastos pa kasi kapah bumili ako.

"Eto 100 anak, mag iingat ka ha?" Tatlo o apat na beses pa lang niya ko naabutan ng isang daan kaya ang saya saya ko ngayon.

"Salamat mama, una na po ako." Civilian kami ngayon, ang pangit naman kasi kapag na uniform e intrams nga.

Tinignan ko ang relo ko, wala namang late late ngayon kaya napagdesisyonan kong maglakad nalang, wala na akong paki kung malayo basta makapagtipid lang ako.

Ilang kanto na ang nalakad ko, pagod na ako. May tumigil na sasakyan sa harapan ko kaya tinitigan kong maigi kung kanino to.

"Baka kidnapin ako." Bulong ko sa sarili ko kaya naglakad ako ng mabilis.

"Huy, kei!" Napalingon ako dahil pamilyar yung boses.

"Jayden, bakit ka nandito? Diba may laro kayo ngayong umaga?" Kaya nga nasa gym na sila Mae ngayon.

"Hindi pa naman tapos yung unang game, 3rd quarter pa lang.." Tumango ako, "Bakit ka nga pala naglalakad? Halika, sabay kana sakin."

Agad akong umiling, ayoko issue 'yan pag nagkataon.

"Wag na, nakakahiya naman." Pagtanggi ko.

"Halika na, wag ka ng mahiya." Ngumiti siya sakin, yung kita lahat ng ngipin niya kaya napatulala ako.

BAKIT ANG POGI NIYA?!

"Wag mo na kong titigan, alam ko namang pogi ako e. Tara na." Hindi na ako nakaangal kaya sumakay na ako sa kotse niya.

"Bakit kaba naglalakad? Ang layo ng school sa bahay niyo eh?"

"Nagtitipid ako, kaya ko naman."

"Sunduin kaya kita palagi, payag ka?" Bakit parang kinabahan ako.

"W-wag, kaya ko ang sarili ko." Lumingon na ako sa labas

Mas lalo akong kinakabahan pag palapit na kami ng palapit sa school, madaming fan girls to eh.

"Dito nalang ako bababa, awayin pako ng mga fans mo." Pero hindi siya tumigil, pinagpatuloy niya pagpasok ng gate ng EU

Casanova's Game Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon