PROLOGUE

2K 43 1
                                    

Guys!! 4th story ko na 'to, sana maging successful katulad nung iba kong stories, sa mga readers ko na hindi ako iniwan simula't sapul, sana hanggang dito suportahan niyo padin ako!! :)

==

PROLOGUE

Ang sabi nga nila, "Kung sino unang mahulog, siya ang talo.."

Hindi naman talaga ako interesado sa love na 'yan e. Ayoko ng mga ganyan.

At tsaka wala namang nagkakagusto sakin, kaya wala talaga akong paki. Simple lang kasi ako, hindi mayaman at higit sa lahat, hindi naman maganda,

Slight lang.

Hindi ako palaayos katulad ng iba dyan, at hindi din ako sosyal, yung tipong magustuhan mo lang yung nakita mo sa mall, o kahit san pa man, karakaraka at bibilhin agad 'yon.. Kasi kahit gusto ko, wala naman akong pera.

Kagaya nga ng sinabi ko kanina, hindi ako interesado at wala akong paki sa love love na 'yan,

Kaso nakilala ko siya...

Akala ko mutual yung feeling namin, kasi pinaramdam niya sakin kung gano ako ka-special, pinaramdam niya sakin kung ano ang pakiramdam ng maging isang prinsesa. Akala ko mahal niya din ako, ang sabi niya hindi niya ako sasaktan, akala ko totoo lahat ng sinabi at pinakita niya.

Pero lahat ng 'yon, ay Akala ko lang pala.

Kaya simula non, takot na akong magmahal.

Ayoko na, masyado na akong natauhan sa sakit na naramdaman ko noon.

Natalo na ako sa laro niya, kasi ako yung unang nahulog.

Habang siya, nanalo kasi,

habang ginagago niya ako, naniniwala ako.

- Kei Chandria Alonzo

Casanova's Game Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon