Chapter 5

670 24 2
                                    


Sa sobrang inis ko, yung mga nadadaanan ko nababangga ko na.

Bakit kaya ang unfair ng tadhana? Kasi akala ko kaya ganon sakin si Jayden, nagkakagusto na siya sakin.

Kaso nagkamali pala ako, sino nga ba ako? Hindi naman ako kaganda at kasexy ng mga nagiging girlfriend niya.

Pumara ako ng jeep pauwi ng bahay, bakit kaya lahat ng nasasakyan ko masikip?!

"Bayad po.." Inabot ko yung bayad ko pero walang kumukuha, busy kasi sa paglalandian.

"Bayad nga sabi, eh!" Napalakas yung tono ng boses ko kaya iritang lumingon sakin yung babaeng kasama yung boyfriend niya.

"Ikaw na nga lang nakikiabot, nagagalit ka pa." Rinig ko pang bulong niya.

"Kanina pa ako nagsasalita, kasalanan ko bang kalahi't tanga at bingi ka." Sinamaan niya ako ng tingin tsaka ko siya inirapan.

"Makapagsalita naman 'to, maganda ka?" Pagtataray niya pa, palagi nalang ako may nakakaaway sa jeep.

"May sinabi ba akong maganda ako? Tigilan niyo kasi paghaharutan niyo minsan, nakakasuka."

"Palibhasa kasi wala kang boyfriend eh, kaya ka ganyan." Sabi pa niya, yung nga pasahero parang nanonood ng teleserye.

"Akala mo naman mahal ka niyang boyfriend mo, pana'y ang titig sakin, eh." Totoo naman kasi, habang nakikipagbangayan ako sa babaeng 'to, ang lagkit tumingin nung lalaki.

Hindi na siya sumagot at inaway nalang yung boyfriend niya, nakikisabay la siya sa init ng ulo ko.

Yamot na yamot na ano simula nung makita ko si jayden, hayop na 'yon.

"Nandito na po ako, Ma." Tumayo siya at kinuha yung pinamili ko, "Ako na ang magdadala kay aling bebang, salamat anak." Ngumiti ng matamis sakin si mama kaya napangiti na din ako.

Pagbalik niya, nakatitig lang siya sakin, "May problema?" Tanong niya.

"Wala po.." Lumapit siya sakin at tinabihan ako.

"Anak kaya kita, alam kong meron kasi nararamdaman ko." Bumuntong hininga nalang ako.

"Ma, paano mo malalaman kapag crush mo ang isang tao?" Nangaasar na tumingin sakin si mama.

"Crush mo si pogi noh?"

"Opo–– Hindi po, tinatanong ko lang naman." Sumimangot ako kaya natawa siya.

"Malalaman mong crush mo yung isang tao kapag bumibilis yung tibok ng puso mo kapag malapig siya sa'yo.. gusto mo palagi mo siyang nakikita hindi ka makatingin sa mga mata niya.." Natahimik ako, lahat kasi ng sinabi ni mama ay nangyari na kapag nandyan si jayden.

"Ma, crush pa po ba kapag nakita mo siyang may kasamang iba pero nayamot ka?" Natatakot ako sa sasabihin ni mama.

Sana mali yung hinala ko.

"Nayamot ka? Baka naman sakit yung naramdaman mo."

"Hindi po, ah. Hindi ko type ai jayden."

"Sabi na eh, si pogi talaga yung tinutukoy mo.. Bakit? May girlfriend noh?"

"Eh ano naman po kung meron?" Tumayo na ako, "Wala naman po akong paki sakanya."

Naglakad na ako papunta sa kwarto ko pero narinig ko pa yung tawa ni mama.

Bwisit talaga, dapat una pa lang hindi ko na hinayaan yung sarili ko, eh.

Kinabukasan

Binalik ko sa dati yung ayos ko, maaga akong umalis sa bahay kaya hindi pa gising si mama. May 250 pa naman na natira kahapon kaya 'yon nalang yung babaunin ko.

Casanova's Game Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon