Chapter 16

472 22 1
                                    

Wala na akong pakielam kung nakapantulog pa ko, kahit suklay ay hindi ko nagawa dahil sa pag aalala ko.

"Manong sa Estrada University po..." Ginising ko pa 'yung tulog na tulog na tricycle driver sa kanto namin.

"Nako neng, malayo 'yon ha. Tsaka jeep ang sasakyan papunta don, mahuhuli ako." Tinuloy niya ang pagtulog niya.


"Kahit magkano po magbabayad ako, please po!" Singkwenta lang naman ang dala ko dahil sa pagmamadali ko kaya siguro pwede na 'yon!

"Bawal talaga, pasensya ka na"


"Please po! 'Yung mahal ko kasi, may nangyari po sakanya please po manong.." Nagmakaawa talaga ako hanggang sa bumuntong hininga siya.

"Hay nako, sige na nga." Dali dali akong sumakay sa tricycle niya.


"Manong pakibilis naman po!" Kinamot niya 'yung ulo niya tas binilisan ng konti.

Kahit gusto ko nalang lumipad papunta sa school hindi ko magawa, eh.

"Magkano po?" Dali dali kong kinuha 'yung pera ko.


"Kahit 60 pesos na lang.."

"Po?! Nako pasensya na po, fifty lang ang meron ako... Pramis po pag nakita ulit kita sa kanto, babayaran ko ang sampu!" Hindi ko na siya inantay pa na magsalita, tumakbo na ako papunta sa loob.

"Kuyang guard, nasa loob po ba si jayden?" Natatarantang tanong ko sa guard.

"Opo, nasa gym po sila." Tumango nalang ako at mabilis na tumakbo.


"Jayden!" Sigaw ko, hindi naman sinabi sakin ni zachary kung saang gym ako pupunta, kung sa una ba o sa pangalawa!


"Jayden, nasaan ka?!" Sigaw ko, madilim na sa parte nung pangalawang gym na pinuntahan ko kasi wala siya sa una.

Naramdaman konv may humawak sa kamay ko, "Mae? Anong ginagawa mo dito?!" Nagtatakang tanong ko.

"Para sa'yo.." Ngiting ngiting sabi niya tas inabot sakin 'yung isang boquet na puting rosas


"San galing 'to?! Asan si jayden?!" Tanong ko.

Hindi niya ako sinagot, ngumiti lang siya at nawala sa paningin ko.


Naglakad lang ako pababa sa mga bench ng may naapakan ako.

"Aray ko!" Narinig ko ang boses ni jake.

"Sorry! Sorry!" Hinging paumanhin ko, nakaupo pala siya hindi ko napansin.

"Hindi man lang kita narinig, naapakan mo pa tuloy ang kamay ko.." Natawa siya tas napakamot ng buhok.

"Eto para sa'yo.." May binigay siyang kapirasong papel.

"Ano ba ang nangyayari jake?! Akala ko may nangyaring masama kay jayden! Ano 'to?!"

"Malalaman mo din mamaya, sige ituloy mo ang paglalakad mo.." May pinindot siya sa gilid niya, switch pala 'yon kaya may spotlight na bumukas.

May pulang tela akong susundan para makapunta ako sa gitna, hindi ko makita ang gilid ko dahil nasakin lang nakatutok 'yung ilaw.


"Naiinis na ako ha! Ano ba 'tong pakulo niyo!" Narinig ko ang maliliit nilang tawanan mula sa likod ko.


Nung narating ko 'yung gitna, biglang nawala 'yung spotlight tapos bumukas ang ilaw, 'yung kita na ang lahat.

Casanova's Game Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon